Catriona Gray ‘confidently beautiful with a heart’ pa rin, namigay ng Christmas food package sa 1K pamilya

Catriona Gray ‘confidently beautiful with a heart’ pa rin, namigay ng Christmas food package sa 1K pamilya

PHOTO: Instagram/@catriona_gray

TUNAY na “confidently beautiful with a heart” pa rin si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Dahil kahit apat na taon na ang nakalipas mula nang ipasa niya ang kanyang korona ay patuloy pa rin siya sa kanyang adbokasiya at outreach program para sa mga mahihirap na kababayan.

Katulad ngayong Pasko na kung saan ay namigay siya ng food package sa hindi bababa sa isanlibong pamilya.

Sa Isang Instagram post ay ibinandera niya ang ilang litrato ng mga nabigyan ng kanyang Christmas food package.

Pinasalamatan din ng beauty queen ang lahat ng mga nag-donate at sumuporta sa kanyang kampanya upang maisakatuparan ang kanyang goal ngayong Pasko.

Sey ni Queen Cat sa IG, “THANK YOU to everyone who donated and supported the @youngfocusph Christmas Family Food Package Campaign.

“With your generosity, 1000 families received a food package to enjoy with their loved ones this Christmas. Maraming maraming Salamat!!!”

Maraming netizens naman ang bumilib sa pagiging consistent ni Catriona sa pagtulong.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Merry Christmas Queen (red heart emoji) Thank you so much for continuing your advocacy up to this date. No doubt you’re still the Best (crown emoji) God bless you always”

“A true queen indeed (red heart emoji)”

“Thank you for making the dreams of many people come true Catriona. we love you so much (red heart emoji)”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan si Catriona sa social media dahil sa mysteryoso niyang social media post na kung saan ay may caption siya na , “Today made me the happiest.”

Dahil diyan ay maraming fans na ang nagtatanong sa beauty queen kung nag-propose na nga ba sa kanya ang boyfriend na si Sam Milby.

Related chika:

Catriona Gray engaged na nga ba kay Sam Milby: Today made me the happiest!

Read more...