Toni asar-talo sa bashers matapos mag-win ng best actress si Nadine sa MMFF: ‘Ay, asan na yung most powerful celebrity?’

Toni asar-talo sa bashers matapos mag-win ng best actress si Nadine sa MMFF: 'Ay asan na yung most powerful celebrity?'

Nadine Lustre at Toni Gonzaga

MARAMING nang-asar sa TV host-actress na si Toni Gonzaga matapos magwaging best actress si Nadine Lustre sa ginanap na Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival 2022.

Itinanghal na pinakamagaling na aktres si Nadine ngayong taon para sa pelikulang “Deleter” mula sa Viva Films at sa direksyon ni Mikhail Red.

Sa ipinost na video ng BANDERA sa Facebook kagabi kung saan mapapanood ang pagtanggap ng dalaga sa kanyang best actress trophy ay sandamakmak na reaksyon ang nabasa namin mula sa netizens.

Of course, nagpiyesta ang mga loyal fans ni Nadine sa latest achievement na nakuha nito pero may ilang netizens nga ang nang-okray kay Toni Gonzaga na isa sa nga nakalaban ng “Deleter” star sa pagka-best actress.

Narito ang ilan sa mga komento ng BANDERA followers.

“Sa Most Powerful Celebrity, sino po nanalo, sino nakapag-uwi ng award?”


“Hula ko pa nman c toni gonzaga hi toni desurv mo hindi manalo…
C pinty nlang sana may laban pa tpos yaya ganap cgurado panalo.”

“Pinagkaisahan yan, halata naman, tignan nio nga pati sa pagiging ambasador nia sa shoppee binoycot, lahat gagawin lahat ng kakampink yan para di manalo c toni, bago naganap yan naplano na.”

“Mali ako.. kala ki c toni best actress.”

“Congratulations, your Highness, President Nadine Lustre! Dasurb!!!”

“I watched the movie and grabeh ang actingan niya. Deserve na deserve.”

“Pinklawan yan si Nadine. Dinaya dapat ang nanalo jan si Tony G. Most Powerful Celebrity kaya yun.”

“Ay asan na yung most powerful  celebrity? Kala ko ba most POWERFUL  RAW ?! ASAN N?  Any way Congratulation. Nadine well deserved.”

“Congratulations Nadine. Deserve. nanood kami ng mga friends ko at talagang mapapasigaw ka sa takot.”

“Nako iiyak yung malaking lata na walang laman ang mga cnsbe! HAHAHAHAHAHA!”

“Binayaran yan ang dapat na best actress si toni Gonzaga dahil magaling siya at most powerful actress ngayon diba mga ka BBM.”

“Tiyak maraming aangal at bashers dito….umiral ang iba’t ibang Asal.at Ugaling.Pinoy !?”

May mga netizens naman nagtanggol naman kay Toni na nagsabing hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nakaka-move on ang mga Kakampink sa pagsuporta ng sisteraka ni Alex Gonzaga kay Pangulong Bongbong Marcos.

Wala pang reaksyon sina Nadine at Toni sa pagkukumpara sa kanila ng madlang pipol. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng dalawang aktres hinggil dito.

Paul Soriano ibinandera ang katapangan ng asawa: ‘Toni is probably the most powerful celebrity today!’

Toni Gonzaga welcome pa rin sa ABS-CBN kahit nag-resign na dahil sa pagsuporta kay Bongbong Marcos

Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan

Read more...