UST TIGERS target ang FINALS SWEEP | Bandera

UST TIGERS target ang FINALS SWEEP

Mike Lee - October 05, 2013 - 03:00 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. La Salle vs UST (Game 2)

ASAHAN ang mas mainitang tagisan sa pagkikita uli ng University of Santo Tomas at De La Salle University sa Game Two ng 76th UAAP men’s basketball Finals ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa ganap na alas-3 ng hapon magsisimula ang bakbakan na isasaere rin ng live sa ABS-CBN. Angat ang Growling Tigers sa 1-0 sa best-of-three championship series matapos kunin ang 73-72 panalo sa unang tagisan na nangyari noong Miyerkules.

Nasa panig ng Tigers ang momentum ngunit hindi ipinapasok ni UST coach Alfredo Jarencio sa isipan ng kanyang mga bata ang bagay na ito.

“Pareho pa rin, nothing to lose pa rin. Ang atmosphere sa amin, relax na relax dahil galing kami sa ibaba,” wika ni Jarencio.
Ngunit hindi ito mangangahulugan na hindi nila pagsisikapan na manalo pa para ibigay sa UST ang kanilang ika-19 na titulo na ang huli ay nangyari noong 2006 sa rookie year ni Jarencio.

Ang championship experience ng Tigers na nakuha noong nakaraang taon ng mga inaasahan na sina Jeric Teng, Aljon Mariano, Karim Abdul, Clark Bautista at Kevin Ferrer ang aasahan para hindi na bigyan ng pagkakataon ang Green Archers.

Sa kabilang banda, ang patuloy na mag-improve ang siyang ginagamit ni La Salle mentor Juno Sauler para lumabas pa ang itinatagong galing ng kanyang mga alipores sa pangunguna nina Jeron Teng, Almond Vosotros, Jason Perkins, LA Revilla, Norbert Torres at Arnold Van Opstal.

“We still have the same mindset, that is to keep improving and do better compared to how we played in our last game,” sabi ni Sauler.

Isa sa pupuntiryahin ng Archers ay ang inside game kasabay ng paglimita sa outside game ng Tigers. Sakaling magkaroon ng deciding Game Three, ito ay itinakda sa Oktubre 12 (Sabado) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending