Regine Velasquez, Melai Cantiveros ibinandera ang bonggang Christmas gift ng kanilang mister

Regine Velasquez, Melai Cantiveros ibinandera ang bonggang Christmas gift ng kanilang mister

HINDI lang ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo ang nakatanggap ng mamahaling regalo mula sa mister, dahil hindi pakakabog diyan ang mga asawa nina Regine Velasquez at Melai Cantiveros.

Ang singer na si Ogie Alcasid ay niregaluhan ng luxury bag na Dior si Regine.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Ogie ang isang video na kung saan ay binubuksan ng kanyang misis ang kanyang regalo.

Naging emosyonal si Regine nang makita ang bag dahil ito raw ang kanyang gustong bag na nakita sa isang mall.

Kwento ni Ogie sa kanyang IG post, “Nakita ko si misis na sumisilip sa isang tindahan at gandang ganda siya sa isang item na alam ko hindi niya bibilhin kasi nagpipigil na sya bumili ng mga bag.

“I saw the glow in her eyes as she was admiring the beauty of the bag and so i surprised her on christmas day.”

Ayon pa kay Ogie na gustong-gusto niyang nakikitang excited si Regine kaya ito ang naisip niyang sorpresa sa Pasko.

“I really love seeing my wife getting excited over anything much more than a surprise present. You deserve much more my love and Merry Christmas,” saad sa caption.

Nag comment naman sa post si Regine at lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang mister.

“Thank you baba I love you (crying face emoji),” sey ng Asia’s Songbird.

Super happy wife din si Melai matapos regaluhan ng mamahaling singsing ni Jason Francisco.

Plinex mismo ni Melai ang kanyang singsing sa Instagram at may caption pa siyang, “Thank you Papang sa iyong Christmas Gift (smiling face with heart eyes emojis) love u to the moon , roadtrip , broom broom , skert skert , zoom zoom”

Kamakailan lang ay nag-viral ang naging surprise Christmas gift ng celebrity doctor na si Hayden Kho para sa asawa na si Vicki na kung saan ay binigyan niya ito ng apat na Hermes bags na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso kada isang piraso.

Related chika:

Ogie iyak nang iyak nang regaluhan ni Regine ng Christmas Tree: Yun ang pinaka-memorable gift niya sa akin

Read more...