ISANG low pressure area (LPA) ang kasalukuyang binabantayan ng PAGASA sa may bahagi ng Mindanao.
Ayon sa press brieifing ng ahensya ngayong araw (Dec. 28), may tsansa itong maging isang ganap na bagyo.
“Base sa huling datos, hindi pa rin natin inaalis ang posibilidad na maaari pa ring humabol at maging bagyo itong low pressure area na ito, lalo na’t nasa karagatan pa rin ito ng ating bansa sa loob nga ng ating Philippine Area of Responsibility,” sey ni Weather Specialist Obet Badrina.
Dahil daw sa sama ng panahon ay inaasahan ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao, pati na rin ang Bicol Region.
Sey ni Badrina, “Maging bagyo man o hindi itong low pressure area, nakikita ho natin na magdadala po ito ng pag-ulan lalo na dito sa kabisayaan, kasama na itong bahagi ng Zamboanga, Northern Mindanao kasama na ang CARAGA, at inaasahan natin na maaari itong kumilos pa-northwest.”
“So posible ho na maapektuhan din ‘yung bahagi ng Bicol region bandang araw naman ng Biyernes, so patuloy pa rin nating babantayan itong low pressure area na ito,” aniya.
Base sa forecast ng weather bureau, ang LPA ay huling namataan 475 kilometers sa Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Bukod sa LPA, mino-monitor din ng PAGASA ang northeast monsoon o hanging amihan na nakakaapekto sa Luzon.
Dahil diyan ay nararanasan ang malamig na panahon, kasama na rin ang kaunting pag-ulan.
Ayon sa presscon ng ahensya, “Samanatala, kung mapapansin po ninyo, itong bahagi po ng Luzon ay walang halos na mga kaulapan at ang umiiral pa rin ay northeast monsoon o hanging amihan.
“Magdadala ito ng mahihinang pag-ulan, partikular na ang pulo-pulong mahihinang pag-ulan dito sa western side, habang mahihinang pag-ulan naman sa may silangang bahagi ng ating bansa.”
Nakataas pa rin ang “gale warning” o babala ng matataas na alon sa karagatan dahil sa amihan.
Narito ang listahan ng mga baybayin na may “gale warning”:
-
Batanes
-
Babuyan Islands
-
Cagayan
-
Aurora
-
Isabela
-
Quezon
-
Polillo Islands
-
Camarines Norte
-
Camarines Sur
-
Catanduanes
-
Masbate
-
Burias Islands
-
Albay
-
Sorsogon
-
Romblon
-
Marinduque
-
Northern Samar
-
Eastern Samar
-
Leyte
-
Southern Leyte
-
Negros Occidental
-
Negros Oriental
-
Guimaras
-
Iloilo
-
Capiz
-
Antique
-
Aklan
-
Bohol
-
Cebu
-
Siquijor
-
Dinagat Islands
-
Surigao Del Sur
-
Surigao Del Norte
-
Siargao and Bucas Grande Islands
-
Ilocos Norte
-
Ilocos Sur
-
La Union
-
Pangasinan
-
Zambales
-
Batangas
-
Oriental Mindoro
-
Occidental Mindoro
-
Lubang Island
-
Palawan (including Calamian, Cuyo, and Kalayaan Islands)
Babala ng weather specialist, “Dulot pa rin ng northeast monsoon, may nakataas pa rin tayong gale warning kaya delikado pa ring maglayag ‘yung maliit na sasakyang pandagat at maliliit na bangka.
Halos sa mga baybayin ng Luzon at ng Visayas at ng Eastern section ng Mindanao.”
Read more:
NDRRMC: 6 nawawala sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan