Vice Ganda: Makakalimutan namin mga password namin, pero hindi ang pangalang Sarah G!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Vice Ganda, Sarah Geronimo at Anne Curtis (Photo from Twitter)
MAY pangamba pala ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo nang magdesisyon siyang bumalik na sa entertainment industry ilang taon matapos magpakasal kay Matteo Guidicelli.
Unti-unti na ngang nararamdaman uli ang presence ni Sarah sa mundo ng showbiz after mawala sa limelight dahil mas ginusto muna niyang mag-focus sa kanyang married life.
Kaya naman masayang-masaya ngayon ang mga Popsters all over the universe dahil regular na nilang napapanood ngayon ang singer-actress sa ilang programa ng ABS-CBN.
Nitong nagdaang Biyernes, ginulat ni Sarah ang madlang pipol nang umapir sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime,” performing her latest single “Dati-Dati.”
Sa pakikipagchikahan niya sa mga hosts ng programa na sina Vice Ganda at Anne Curtis, inamin ng misis ni Matteo na may agam-agam siya sa kanyang pagbabalik sa telebisyon after more than two years.
“Kilala pa ba nila ako?” ang tanong ni Sarah G kina Vice at Anne.
Agad na sumagot ang Phenomenal Box-office Star na imposible nang makalimutan ng mga tao ang kanyang pangalan dahil maituturing na rin siyang icon sa showbiz.
“Ang dami mong napasayang tao. ‘Yung mga tao, sabik na sabik sila sa ‘yo. At mahal na mahal ka namin,” sey ni Vice.
“Don’t ever think na ganoon ka kadali kalimutan. Ano ka ba? Makakalimutan namin mga passwords namin, pero hindi naman makakalimutan si Sarah G,” dugtong pang pahayag ni Vice.
Samantala, ayon kay Sarah napakarami niyang inihandang sorpresa para sa mga Popsters sa darating na 2023.
“Excited po ako for the coming year dahil akalain niyo po marami-rami surprises ko sa inyo mga Popsters,” aniya.
Nauna rito, muli ngang napanood si Sarah sa “ASAP Natin ‘To” makalipas ang dalawang taon kaya naman talagang inabangan ng fans ang pasabog niyang performance.
Last July nagsimulang mag-perform uli sa “ASAP” si Sarah under the “Sarah G Specials” segment pero lahat ng ito ay puro recorded lamang.