LRT-2 may libreng sakay sa Dec. 30; free rides sa EDSA carousel tapos na sa Dec. 31

LRT-2 may libreng sakay sa Dec. 30; free rides sa EDSA carousel tapos na sa Dec. 31

INQUIRER FILE PHOTO

MAGANDANG balita para sa mga commuters, lalo na sa mga sumasakay ng LRT-2!

Magkakaroon ng libreng sakay ang tren sa December 30 na kung saan ay idineklara itong “regular holiday” bilang paggunita sa araw ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Ngunit ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) sa isang Facebook post, may piling oras lamang ang libreng sakay at ito ay mayroon sa umaga at gabi.

Saad sa FB post, “May handog na LIBRENG SAKAY ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Biyernes, ika-30 ng Disyembre, mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM.”

“Samantala, aalis ang unang tren sa Recto at Antipolo Stations ng 5:00 AM habang ang huling tren naman sa Antipolo Station ay aalis ng 9:00 PM at 9:30 PM sa Recto Station,” dagdag sa caption.

Sey pa ng LRTA, “Ang LIBRENG SAKAY ay bilang pakikiisa ng LRTA sa mga Pilipino sa paggunita at pag-alala sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal.

“Pinaalalahanan naman ng LRTA ang mga pasahero na sumunod pa rin sa health, safety at security protocols para makaiwas sa COVID-19 at sakuna.”

Samantala, paalala lang din namin na magtatapos na ang libreng sakay ng Edsa bus carousel sa December 31.

Matatandaang ginawang 24 hours ang biyahe sa Edsa carousel at ang free rides ay mula 11 a.m. hanggang 11 p.m.

Ayon sa Department of Transportation (DoTr), ito ang kanilang tulong sa mga kababayan dahil sa nararanasang “inflation” o patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin.

Bukod diyan ay layunin nilang pagsilbihan ang mga commuter na nagtatrabaho sa gabi, lalo na’t ipinatupad ang mas mahabang mall hours na bukas ng 11 a.m. hanggang 11 p.m. ngayong holiday season.

Nagbigay ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.4 billion na budget para sa “libreng sakay” program sa Edsa bus carousel hanggang matapos ang taong ito.

Read more:

Inagurasyon ng LRT-2 East Extension, ini-reschedule sa June 23

Read more...