UMANI ng tagumpay ang tamabalan ng isang national director at alaga niya sa Mrs. Universe (Official) pageant na itinanghal sa Australia kamakailan. Kinoronahan si Ellen Poyaoan-Santos bilang Elite Mrs. Universe (Official) habang hinirang namang Ms. Universe (Official) Global ang nagpadala sa kanya sa patimpalak na si Christine Escalante.
Humarap ang dalawang bagong reyna sa ilang kawani ng midya para sa kani-kanilang victory press conferences sa City State Tower Hotel sa Maynila noong Dis. 23, upang ibahagi ang naging karanasan nila sa Mrs. Universe (Official) pageant na itinanghal sa Grand Pavilion ng Rosehill Gardens sa Australia, noong Dis. 4.
Iba pa ito sa Bulgaria-based na Mrs. Universe pageant na tinatag noong 2007. Ang Sydney-based na Pilipinang si Maryrose Salubre ang nagtatag sa Australia-based na Mrs. Universe (Official) pageant.
Kinoronahan si Escalante bilang Mrs. Universe (Official) Australasia noong Disyembre ng nagdaang taon, na sagisag ng pagiging opisyal na kalahok niya sa pandaigdigang entablado. Ngunit sa pagdaan ng mga buwan, naging abala siya sa politika at nagpasyang umatras sa laban sa ibayong-dagat.
Ngunit bilang opisyal na licensee ng Mrs. Universe (Official) sa Pilipinas, kailangan pa ring piliin ni Escalante ang mga kalahok ng bansa. Nitong Setyembre, itinalaga niya si Santos bilang Mrs. Universe (Official) Philippines, at si Ann Marie Morales bilang Mrs. Universe (Official) Asia Pacific.
Makaraan ang dalawang buwan, nangangalap na si Escalante ng mga maisusuot, hindi lamang bilang isang national director, kundi bilang isa na ring kandidata, kasabay na lalaban ang mga itinalaga niyang reyna sa pandaigdigang entablado.
Naglaban-laban ang 21 kalahok mula sa iba’t ibang bansa. At nang matapos ang lahat, nanguna si Santos sa kategoryang “elite” upang masungkit ang korona bilang Elite Mrs. Universe (Official), habang isa si Escalante sa mga nagwagi sa kategoryang “Ms.” at tinanggap ang titulong Ms. Universe (Official) Global title. Isa pang Pilipina, si Monique Rivera, ang hinirang bilang Mrs. Universe (Official) Global.
Kapwa magiging abala sina Escalante at Santos sa paghahanap ng susunod na kinatawan ng bansa para sa Mrs. Universe (Official) pageant, na itatanghal sa Newport World Resorts sa Pasay City, sa Pilipinas, sa Okt. 13. Makakasama nila si Ovette Recalde ng Megastar Productions para sa unang Mrs. Philippines pageant sa susunod na taon.
Itatanghal ang pambansang patimpalak sa Araw ng mga Ina (Mayo 14), at magbibigay ng anim titulo—Mrs. Philippines Universe (Official), Mrs. Philippines Tourism, Mrs. Philippines Asia International, Mrs. Philippines Tourism Queen International, Mrs. Philippines Grand Universe, at Mrs. Philippines Noble Queen Universe.
Iginiit ni Ricalde na walang sisingiling registration fee sa mga aplikante.
Related Chika:
Sa wakas, Catriona makakapiling na muli ang magulang sa Australia
#PakGanern: Bb. Pilipinas 2022 candidates kabugan ang laban sa pasabog na swimsuit photos
Kathleen Paton wagi bilang Miss Eco International 2022