Song Joong Ki may bagong lovelife, currently dating sa isang non-showbiz British woman

Song Joong Ki may bagong lovelife, currently dating sa isang non-showbiz British woman

PHOTO: Instagram/@hi_songjoongki

IT’S confirmed! May bago nang lovelife ang South Korean star na si Song Joong Ki matapos ang tatlong taong divorced.

Kamakailan lamang nang kumalat ang tsismis na may dine-date ang aktor na isang non-showbiz British woman.

May mga ulat din na kasama pa ni Joong Ki ang dyowa umano sa Singapore noong December 7 para i-promote ang kanyang bagong K-Drama na pinamagatang “Reborn Rich” at ipinakilala pa ito sa kanyang mga staff.

Ngayong December 26 ay naglabas na nga ng opisyal na pahayag ang talent agency ng Korean star at kinumpirma na siya’y “in a relationship” na.

Saad ng ahensya, “Actor Song Joong Ki is currently seeing a woman with positive feelings.

“We hope that you will look warmly upon their relationship.”

Bukod sa nagde-date ang dalawa, wala nang ibang impormasyon na nabanggit ang talent agency tungkol sa lovelife ng aktor.

Nakiusap din ito sa publiko na huwag magkalat ng fake news tungkol kay Joong Ki.

Sey ng talent agency, “We ask for your understanding in regards to the fact that we cannot confirm any information aside from the fact that they are dating, and we would be grateful if you refrained from publishing any speculative or unconfirmed reports.”

Hiwalay si Joong Ki sa dating asawa na si Song Hye Kyo.

Matatandaang nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang magtambal sila sa 2016 hit drama na “Descendants of the Sun.”

Taong 2017 nang ikinasal sina Joong  Ki at Hye Kyo sa Seoul, South Korea, pero noong 2019 ay nag-divorce na sila.

Related Chika:

Dimples Romana personal na na-meet si Song Joong Ki, may selfie pa

Read more...