MUKHANG consistent sa pagtulong sa mga mahihirap na bata ang ating pambato sa Miss World pageant na si Gwendolyne Fourniol.
Dahil biruin niyo, ipinagdiriwang niya ang Pasko kasama ang mga bata ng ERDA Foundation, isang non-profit organization (NGO).
Makikita sa ibinanderang Instagram post ang ilang litrato ng beauty queen na namimigay ng regalo at niyayakap pa ang mga bata.
Caption pa niya, “There’s no better way to celebrate Christmas than with the children of ERDA.”
Pinasalamatan din niya ang mga taong tumulong upang mapasaya ang mga bata.
Sey niya sa post, “Thank you to all the people who helped make this Christmas a brighter one for the families of ERDA.
“Merry Christmas everyone (white heart emoji).”
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng tulong si Gwendolyne sa ERDA Foundation.
Noong unang linggo ng Disyembre ay nagturo pa siya sa mga bata at magulang na magsalita ng French.
Masaya niyang sinabi sa isang IG post, “I spent my first day of December teaching french to ERDA beneficiaries! It was such a rewarding day seeing the mothers and volunteers wanting to join in on our fun lesson (white heart emoji)”
Noong Hunyo nang koronahan ang Negros Occidental-born beauty queen bilang Miss World Philippines 2022.
Matatandaang ang focus ng kanyang adbokasiya ay ang pagsusulong sa karapatan ng bawat kabataan na makapag-aral.
Ipinagdiinan ni Gwendolyne na ang edukasyon ang isa sa pinaka-powerful at pinakaepektibong panlaban kontra sa kahirapan.
“Education is the greatest weapon against poverty,” ang natatandaan naming bahagi ng naging pahayag ni Gwendolyne sa question and answer portion ng Miss World Philippines 2022.
Si Gwendolyne ang ilalaban ng Pilipinas para sa ika-71st Miss World pageant na magaganap sa March 16, 2023 sa Puerto Rico.
Related chika:
Nanay at tatay ni Miss World PH 2022 Gwendolyne Fourniol hindi magiging magdyowa kung walang ERDA