Unang araw ng MMFF 2022 tagumpay; entry nina Vice at Ivana nangunguna raw sa takilya, ‘Deleter’ ni Nadine palaban din

Unang araw ng MMFF 2022 tagumpay; entry nina Vice at Ivana nangunguna raw sa takilya

Mga pelikula sa MMFF 2022 pinilahan sa mga sinehan (Photo from MMFF FB)

IN FAIRNESS, balitang naging matagumpay ang unang araw ng Metro Manila Film Festival 2022 kahapon, December 25.

Maraming nag-message sa amin na talagang dumagsa sa mga sinehan ang mga kababayan natin para mapanood ang mga kalahok sa ika-48th MMFF.

Sa official Facebook page ng MMFF nakasaad ang announcement na, “Napakaagang dinagsa at pinilahan sa takilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang walong pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival sa unang araw pa lamang ng pagbubukas nito.”

Sinundan pa ito ng post nila kagabi na, “Luzon! Visayas! Mindanao!! Maraming SALAMAT po sa inyong wagas na pagtangkilik sa 8 Pelikulang Pilipino na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

“Bukas at sa mga susunod pang mga araw ay lalo pa nating pag alabin ang damdaming Pilipino na mahalin at tangkilikin ang pelikulang atin. Kaya manood na at makisaya! Panoorin ang walo!” sabi pa sa FB message ng MMFF organizers kalakip ang mga litrato na kuha sa iba’t ibang sinehan.

Sa nakuha naming unofficial report, balitang ang nasa Top 4 ay ang “Partners In Crime” nina Vice Ganda at Ivana Alawi, “Labyu With An Accent” nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria, “Deleter” ni Nadine Lustre, at “Family Matters” nina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nikki Valdez, JC Santos at James Blanco.

Ngunit kagabi bago mag-close ang mga sinehan, may nabago raw sa ranking ng Top 4. Number one pa rin ang “Partners In Crime”, pero pangalawa na umano ang “Deleter”, pangatlo ang “Family Matters” at nasa ikaapat na pwesto na ang “Labyu With An Accent.”

Pero inuulit namin, unofficial pa rin ang ulat na ito dahil wala pang inilalabas na opisyal na statement ang MMFF organizers.

At tulad ng inaasahan, marami pang puwedeng magbago sa ranking ng walong entry lalo na pagkatapos ng Gabi ng Parangal na idaraos bukas.

Base sa mga nakukuha naming reaksyon, mukhang matindi ang magiging bakbakan sa pagitan ng “Family Matters,” “Deleter”, “Nanahimik ang Gabi” at “My Father, Myself.”

Coco: Dapat ang gawin nating pelikula ay ‘yung makaka-inspire dahil alam natin ang hirap ng pinagdaanan ng lahat

Bakit kaya hindi pinilahan ang unang araw ng MMFF 2021?

Vic kakaririn ang pagbabalik-pelikula para sa MMFF 2023; umamin kung ano ang madalas nilang ‘pagtalunan’ ni Pauleen

Read more...