Military photo ni BTS Jin nag-leak sa socmed, fans naging emosyonal: ‘We are waiting for you’

Military photo ni BTS Jin nag-leak sa socmed, fans naging emosyonal: ‘We are waiting for you’

KUMALAT sa social media ang military photo ng isa sa mga miyembro ng K-Pop sensation na BTS na si Jin.

Makikita sa nag-leak na litrato ang military haircut ng K-Pop idol habang nakasuot ng military uniform.

Dahil diyan ay muling naging emosyonal ang libo-libong fans ng BTS at karamihan sa kanila ay miss na miss na agad ang superstar.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming Twitter post:

“seokjin in the military uniform during his military service! I can’t, I’m crying!! (crying face emojis)”

“missed him and his handsome face so much! I can’t believe we see him in the military uniform we were imagining the whole time!”

“He look so precious, I love you Jin (purple heart emoji)”

Nagsimula noong December 13 ang mandatory military service ni Jin sa South Korea.

Si Jin o Kim Seok-jin sa tunay na buhay ay ang unang miyembro ng BTS na na-enlist.

Ayon sa record label ng BTS na Big Hit Music, lahat ng members ng grupo ay sasailalim sa mandatory military service.

“(Jin) will then follow the enlistment procedure of the Korean government. Other members of the group plan to carry out their military service based on their own individual plans,” ayon sa talent management ng Korean idol.

Bago pa magsimula ang kanyang enlistment, trending at nag-viral agad-agad sa social media ang semi-kalbong haircut ni Jin.

Nagsimula ang career ng BTS noong 2013 at mula niyan ay unti-unti nilang narating ang matagumpay na karera pagdating sa music industry.

Dahil diyan ay itinuturing na silang bilang “biggest K-pop act in the world.”

Related chika:

Read more...