Tom Cruise ‘buwis-buhay’ sa bagong ‘Mission Impossible’ movie, ginawa ang pinaka delikadong stunt

Tom Cruise ‘buwis-buhay’ sa bagong ‘Mission Impossible’ movie, ginawa ang pinaka delikadong stunt

PHOTO: Courtesy Paramount Pictures International

HINDI na ma-reach pagdating sa action movies ang Hollywood actor na si Tom Cruise!

Paano ba naman kasi, mayroon siyang panibagong kasaysayan pagdating sa mga ginagawa niyang “stunts.”

At ito ay mangyayari sa inaabangang pelikula na pinamagatang “Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One.”

Yes mga ka-bandera, magkakaroon ulit ng bagong “Mission: Impossible” movie si Tom Cruise matapos ang limang taon.

Sa isang YouTube video na ibinandera ng Paramount Pictures International ay makikita ang pinaka delikadong stunt na ginawa ng aktor.

Ito ay ‘yung tumalon siya sa bangin ng Norway habang nakasakay sa isang motorsiklo.

Makikita sa uploaded video kung papaano pinaghandaan ni Tom at ng kanyang crew ang intense stunt ng pelikula bago nila ito i-shoot sa mismong lokasyon.

Sey pa ng Hollywood actor sa video, “This is far and away the most dangerous thing we’ve ever attempted.

“We’ve been working on this for years, and we’re going to shoot it in Norway and it’ll be a motorcycle jump off a cliff into a base jump.”

Patuloy pa niya, “I want to do it since I was a little kid. It all comes down to one thing, the audience.”

Nakuwento pa ng direktor ng pelikula na si Christopher Mcquarrie na matinding pagpaplano ang ginawa ni Tom bago tuluyang isagawa ang buwis-buhay na stunt.

“There’s a lot going into this stunt, so Tom put together this master plan to coordinate all of these experts in each of the particular disciplines involved to make this whole thing happen,” saad ng direktor.

Binanggit din ni Mcquirrie na anim na beses tumalon sa bangin si Tom upang ma-perfect ang stunt para sa kanyang pelikula.

Tampok din sa bagong “Mission: Impossible” film sina Ving Rhames, Simon Pegg, Rebecca Ferguson, Vanessa Kirby, Hayley Atwell, Shea Whigham, Pom Klementieff, Esai Morales, Henry Czerny, Rob Delaney, Cary Elwes, Indira Varma, Mark Gatiss, Charles Parnell, Greg Tarzan Davis, at Frederick Schmidt.

Nakatakdang ipalabas ang “Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One” sa mga lokal na sinehan sa July 2023.

Related chika:

Pinoy historian supalpal sa pakikisawsaw daw sa ‘History is like tsismis’ hugot ni Ella Cruz: ‘Umayos ka, chura neto!’

Read more...