#SanaAll: Nina Cabrera nagpa-raffle ng additional paid leaves sa kanyang mga empleyado

#SanaAll: Nina Cabrera nagpa-raffle ng additional paid leaves sa kanyang mga empleyado

TALAGANG mapapasabi ka na lang ng “when kaya” at “sana all” sa naging pakulo ng entrepreneur na si Nina Cabrera sa nagdaang Christmas party nila ng kanyang mga empleyado.

Usually ay appliances, gadgets, gift certificates o kaya naman ay cash ang mga pinapa-raffle sa mga Christmas party ngunit mas ginawang exciting at special ng CEO ng Colourette cosmetics ang gabi para sa kanyang mga empleyado.

Noong December 11 ay nag-viral ang TikTok video ni Nina kung saan ang masuwerteng mabubunot sa raffle ay makatatanggap ng additional paid leaves on top of their leave benefits para sa taong 2023.

Naka-tsikahan nga namin siya matapos mag-viral ang kanyang video upang malaman ano ang kwento sa kanyang “one of a kind” na raffle prizes.

Pagkukwento ni Nina, “This was actually inspired by a tweet from Atty. Gideon, our corporate legal counsel. When I saw that I realized na oo nga no? Deserve ng [mga] employees namin ng pahinga.”

Aniya, grabe raw ang hard work na ibinigay at ginugol ng kanyang mga empleyado ngayong taon kaya naman deserve na deserve ng mga ito ang additional paid leaves.

@ninaellaine Replying to @userpihehehe ♬ original sound – Nina Cabrera

Ang mananalo nga ay magkakamit ng 5 additional paid leaves na maaari na agad niyang magamit sa 2023 at tatlo nga ang lucky winners ng naturang raffle prizes.

Nakapanayam rin namin si Euri, isa sa tatlong nanalo ng unique raffle prize na pakulo ni Nina.

Pagkukwento niya, talagang naging excited siya nang malaman niya kung ano ang mapapanalunan ng mga mabubunot sa raffle.

“First time ko marining na VL yung i papa- raffle sa Christmas Party! I have only been in Colourette for two months and it has been full of pleasant company culture surprises,” pagbabahagi ni Euri.

Kaya naman nang malaman niya na isa siya sa mga nanalo ng raffle pakulo ni Nina ay “super shocked” siya lalo na at hindi naman siya madalas manalo at mabunot sa mga raffle.

Inusisa na rin namin kung ano ang plano ni Euri sa napanalunan niyang limang additional leaves at ayon sa kanya ay sa ngayon, hindi pa niya alam kung ano ang plano niya pero looking forward siya na magamit ito para mas makapag-spend ng oras kasama ang pamilya.

Labis nga rin ang pasasalamat ni Euri sa kanilang CEO sa masayang pa-raffle ngayong taon.

“Thank you pioneering a progressive raffle prize specially in the Philippines. Thank you also, Nina for always thinking about your people and what they need, it’s something that I wish most CEO would have.

Don’t worry I will use my leaves wisely,” pangako ni Euri.

Related Chika:
#UsapangPera: Hanggang saan aabot ang 13th month pay mo?

#RafflePaMore: Kabaong ginawang grand prize sa isang Christmas party

Neri Miranda inilikas ang mga empleyado sa Cebu, humingi ng tulong para sa iba pang nasalanta

John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

Read more...