Kim Chiu sinagot ang komento ng fans patungkol sa ‘billing’ sa ABS-CBN: Basta’t may trabaho ako, okay na po ako doon

Kim Chiu sinagot ang mga komento ng fans patungkol sa 'billing' sa ABS-CBN:  Basta't may trabaho ako, okay na po ako doon

MARAMI sa mga supporters at fans ng TV host-actress na si Kim Chiu ang tila dismayado sa naging pagtrato sa kanilang idolo sa nagdaang ABS-CBN Christmas Special 2022 na ginanap noong December 17.

May mga nagsasabi kasi na tila hindi daw nabibigyan ng inportansya ang Kapamilya star kahit na marami na itong naging kontribusyon sa kanyang home network.

Sey ng fan ni Kim, “We are not trying to be nega here pero this is not the first time na rin kasi. Medyo sensitive din ako pagdating sa mga ganito kasi unfair talaga for her knowing her contributions to the network.”

Dagdag pa nito, hindi naman daw ito tatawaging “teleserye princess” nang walang dahilan.

May isa pang supporter ni Kim ang nag-tweet at tinawag pa ang pansin ng head writer ng ABS-CBN.

Sey ng supporter ng aktres, “Sana i-consider mo lahat ng factors bago ka mag decide sa billing such as popularity, bankability, achievement & years of service.”

Ni-retweet naman ito ni Kim at sinabing, “I think billing is not as important, di rin naman lalaki TF [talent fee] mo if ikaw yun una, huli or gitna. Bastat may trabaho ako okay na po ako dun.”

Pagpapatuloy pa niya, “Salamat sa ABSCBN sa mga opportunities na binibigay nila sa akin. Kahit saan nila ako ilagay okay lang naman po sa akin. [praying hands and heart emojis] still #grateful.”

May isang netizen rin ang naglabas ng saloobin.

Chika nito, “You have remained humble kaya ka pinagpapala. But di abusuhin ng mga tao ang kagandahan ng iyong puso.Basta kaming mga fans mo at casual viewers, alam naming ang TUNAY MONG TRONO [crown emoji]. Sana lang MAS PAHALAGAHAN ka pa nila.”

Sagot naman ni Kim, “Let’s see how long I can…”

May mga komento tuloy sa mga netizen na tila nagpapahiwatig ito na may tsansang lumipat ito sa ibang network.

“O TO THE M TO THE G. Yan na nga ba sinasabi ko eh. Dadating din talaga tayo sa sukdulan, tight hugs Kimmy. IPAGLALABAN ka talaga namin kasi DESERVE mo SUPORTA at PAGMAMAHAL namin. Di ka nagkulang na pasalamatan kami sa lahat ng mga nakamit mo,” saad ng kanyang supporter.

Sey naman ng isa, “Ano ung hanash mong yan? imbes na ikaw ung nag aayos ng gulo na inumpisahan ng mga fans and followers mo, mas pinapalala mo pa ang sitwasyon. for issues like this, better for you to keep silent and that’s how a mature person behaves. you should be the first one to pacify.”

Hirit naman ng isa, “oa ng mga fans mo parang ikaw. ano bang hinahanash nyo sa billing e nasa gitna at unahan ka naman? REAL STAR/SUPERSTAR doesn’t need validation cos they’re secured sa narating at napatunayan nila sa industry. ikaw at mga fans mo obviously not secured dahil laging may pinaglalaban.”

Sa huli ay makikita naman si Kim pati na rin ang lahat ng mga Kapamilya leading ladies sa stage. Nasa gitna ang dalaga at katabi ang mga big bosses ng ABS-CBN na sina Carlo Katigbak at Mark Lopez.

Sa ngayon ay maraming proyekto ang TV host-actress sa ABS-CBN kaya naman palaisipan sa iba kung susundan nga ba nito ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na sa ngayon ay nasa GMA-7 na.

Related Chika:
Bakit hirap na hirap si Kim Chiu sa ‘Goo Goo Muck’ production number niya sa ‘ASAP’ last Sunday?

Kim Chiu napaiyak sa akusasyong fake ambush: Kailangan bang mamatay kami para maniwala kayo?

Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

Kim Chiu nag-absent muna sa ‘Showtime’ para maglamiyerda sa Disney World: Had so much fun, super! Pero struggle is real!

Read more...