Heaven Peralejo walang keber kung tawaging ‘sexy star’; Rein Entertainment pinaplano na ang part 2 at 3 ng ‘Nanahimik Ang Gabi’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Ian Veneracion, Heaven Peralejo, Mon Confiado, Hugo Praico, Lino Cayetano at Carol Lopez
BONGGA! Hindi pa man ipinalalabas sa mga sinehan ang suspense-thriller movie na “Nanahimik Ang Gabi” ay pinag-uusapan na ang part 2 at part 3 nito.
Ito’y pinagbibidahan nina Heaven Peralejo, Ian Veneracion at Mon Confiado sa direksyon ni Shugo Praico.
Mismong ang producer ng pelikula na si Lino Cayetano ng Rein Entertaiment ang nagsabi na this early ay pinaplano na ang sequel o prequel ng kanilang official entry sa Metro Manila Film Festival 2022.
Sey pa ni Direk Lino, umaasa sila na magsisilbing “catalyst” ang “Nanahimik Ang Gabi” at ang pito pang entry para sa revival ng Philippine movie industry matapos ang COVID-19 pandemic.
“We’ll wait for the box-office (results), but we’re already talking about a follow-up with Direk Shugo. The movie’s too good and it deserves a part 2 or part 3,” ani Direk Lino na todo ang pasalamat sa press people na nagsusulat ng magaganda tungkol sa kanilang pelikula.
“It’s been a while. I’m sure everyone is excited to watch movies in theaters again,” sabi pa ni Lino Cayetano kasabay ng panawagan na panoorin sana ng lahat ng mga Filipino ang walong entry sa MMFF 2022.
“Ngayong Pasko, sama-sama tayong matawa, maiyak, matakot at mabigyang inspirasyon sa iba’t ibang pelikula na dala ng MMFF. Atin pong ibalik ang tradisyon na pagtangkilik sa pelikulang Pilipino sa mga sinehan,” sabi ni Direk Lino.
Ganyan din ang hiling ng iba pang bossing ng Rein Entertainment na sina Direk Philip King at Ms. Carol Lopez para sa movie industry. Anila, mas magiging exciting pa ang darating na 2023 kapag nagtagumpay ang lahat ng entries sa MMFF 2022.
Samantala, nagpaliwanag naman sina Ian at Heaven sa tema ng “Nanahimik Ang Gabi” kung saan first time magpapaka-daring si Heaven bilang “sugar baby” ng karakter ni Ian na isa namang “sugar daddy”.
Ayon kay Heaven, wapakels naman siya kung tawagin siyang sexy actress dahil sa bago niyang movie, “If I am sexy, I don’t mind being called a sexy actress.
“People are just giving a malicious intent on the word sexy, but why can’t women be sexy? If they call me that, then at least I’m convinced that my portrayal worked,” aniya.
Depensa naman ni Ian, “Hindi point ng movie ang magpa-sexy, it’s just part of the characterization. What’s important is the storytelling. The scary or sexy parts are just by-products of the whole story, not the main point.”
Pahayag pa ni Heaven, tinanggap daw niya ang nasabing project dahil, “Some members of this generation find the idea of being a Sugar Baby appealing because it lets them lead a glamorous life.
“The film sends a message that being a sugar baby has its consequences. Every choice you make in life has its consequences, whether it’s good or bad. I told myself that I want to be part of this film that is thought-provoking,” aniya pa.