Singer-actress napahiya nang tanungin ang dyowa kung kailan sila magpapakasal: ‘Nagmamadali ka ba?’

Singer-actress napahiya nang tanungin ang dyowa kung kailan sila magpapakasal: 'Nagmamadali ka ba?'

Guess, guess who! Mahulaan n’yo kaya kung sinetch itetch?

TRULILI kaya na idinadaan na lang sa birong hindi pa handa ang singer-actress kapag tinatanong kung kailan siya mag-aasawa dahil matagal na rin naman sila ng boyfriend niyang kilala rin sa showbiz.

Tsika ng kampo ng singer-actress, “Wala kasi siyang isasagot everytime na tinatanong siya ng reporters kasi minsan na siyang nagtanong kay ____ (boyfriend), e, napahiya kasi sinabihan siyang ‘nagmamadali ka na ba?’ Kaya mula noon hindi na siya nagtanong at hindi na rin napag-uusapan.”

Base sa kuwento sa amin ay hindi pa handa ang boyfriend ng singer-actress dahil mas inuuna nitong i-priority ang career at hobbies dahil may plano raw sumali sa isang contest na hindi naman binanggit kung ano at saan.

Hmmmm, puwede naman kasi dahil health buff naman ang boyfriend ng singer-actress, lalo’t idol niya si Richard Gomez noong kabataan nito na halos lahat ng sports ay nag-e-excel at nananalo sa mga competition.

“Ang kaso hindi naman siya  (boyfriend) makatutok sa ensayo kasi busy siya sa career niya at negosyo na ayaw naman niyang magbakasyon kaya paano siya sasali sa competition?” kuwento ng aming source.

Anyway, si singer-actress ay very supportive naman sa boyfriend niya at inamin din ng aming source na sobrang in love ito sa guy.

Teka, hindi kaya big factor din kaya ayaw pang magpakasal ng boyfriend ni singer-actress ay dahil hindi pa siya pinapayagan ng kanyang magulang.

“Hindi ko alam sa parte na ‘yan kasi ang alam ko love naman si ____ (singer-actress) ng parents ni ____ (boyfriend),” sagot ng aming kausap.

Kilalang aktor at aktres todo tago pa rin sa tunay na relasyon; wala pang balak umamin

Vice Ganda: Gusto kong magkaanak, hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa

Toni Gonzaga may resbak sa bashers, naglabas ng cover ng ‘Roar’

Read more...