Agassi Ching mala-wedding proposal level ang monthsary surprise para kay Jairah Asuncion

Agassi Ching mala-wedding proposal level ang monthsary surprise para kay Jairah Asuncion

PHOTO: Instagram/@agassiching

NAGPAKILIG ng todo ang sikat na YouTube love team na sina Agassi Ching at Jairah Asuncion sa kanilang latest vlog.

Nagbigay kasi ng bonggang surprise si Agassi para kay Jai para sa kanilang monthsary.

Sa intro nga ng video ay tila nag-propose na si Agassi para sa kanyang longtime partner dahil sa inihanda niyang sweet message at may ibinigay pa siyang isang maliit na heart-shaped box.

Sey pa nga ni Agassi para sa GF, “Dear Jai, alam ko ngayong taon ay maraming nangyari sa relasyon natin. Mga away, mga hindi pagkakaintindihan at minsan umabot na rin sa punto ng hiwalayan.”

“I want to be part of your everything, whether it could be your ride home or this lifetime. Your dreams, your passions, your pains, I want to be a part of it. I want it. I want to make it with you,” patuloy pa niya.

“Kaya ngayon, ibibigay ko ulit sayo itong puso ko at nangangako ako na paninindigan kita, mamahalin ka, at hindi ka iiwan kahit hanggang sa susunod na habang buhay,” aniya.

Pero bago mangyari ‘yan ay ipinakita muna ng YouTube vlogger kung paano niya nagawang sorpresahin ang kanyang girlfriend.

Ipinakita sa video na nag-date muna ang dalawa sa isang mall sa Quezon city at pagkatapos ay dinala na ito sa isang pina-reserve na restaurant.

Mapapanood pa na present ang ilan malalapit na kaibigan na sabay-sabay silang binati ng “Happy Monthsary.”

At tulad sa intro ng video ay doon na nga binasa ni Agassi ang sweet message para kay Jai.

Hindi pa natapos diyan ang monthsary surprise dahil ang hindi alam ni Jai ay inimbitahan pa pala ni Agassi ang OPM band na Ben&Ben upang magkaroon ng private concert para sa kanilang dalawa lang.

Kwento pa ni Agassi, super idol ng kanyang GF ang banda kaya ito ang napili niyang sorpresa at isang buwan niya raw itong pinaghandaan.

Dahil sa tuwa ay naiyak talaga si Jai habang kinakantahan sila ng hit song na “Araw-Araw.”

Mensahe pa ng isang miyembro ng banda na si Miguel, “Nabalitaan namin ‘yung kwento niyo and gusto lang namin sabihin na, alam niyo sa totoo lang, na-inspire kami sa inyo kasi marami din sa amin are in a relationship, and we know that being in a relationship, it involves a lot of work and unang-una happy monthsary.”

Marami ang kinilig sa latest upload ng social media love team at dahil diyan ay nag-number three na sa trending YouTube ang kanilang video.

Related chika:

Juancho inaatake na ng nerbiyos: The pressure of being a father and husband is a lot

Ai Ai super touched sa monthsary gift ni mister: Crayola akiz bakla! Pero na-surprise ako grabe!

Read more...