RR Enriquez na-bad trip kay Koya dahil sa ginawa sa aso ng pamangkin: I want to give him an uppercut!
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
RR Enriquez
IMBIYERNANG-IMBIYERNA angna aktres at tinaguriang Pambansang Sawsawera na si RR Enriquez sa isang lalaki nang magkachikahan sila tungkol sa mga alaga nilang aso.
Na-bad trip nang bonggang-bongga si RR matapos malaman ang ginawa ng nakausap na guy sa pet dog ng kanyang pamangkin.
Ikinuwento ito ng aktres at negosyante sa kanyang Instagram followers na nangyari lamang daw recently.
“While I was in the elevator a man approached me if my Baby Ash is nice because he’s scared of dogs daw.
“I do get that a lot of people are scared of dogs coz I myself is scared to other dogs sometimes specially if they bark or try to play with me,” simulang pagbabahagi ng aktres.
Pero ang ikina-shock nga raw ni RR ay ang sumunod na kuwento ng naturang lalaki, “He said that his nephew has a dog and he tried na iligaw ito. Proud pa si Koya.
“Sabi ko bad ka Kuya. Dogs are nice. You shouldn’t do that. And then he said nakabalik naman Ma’am dahil binalik ng kapitbahay,” sey pa ni RR.
Dagdag pa niya, gustung-gusto na raw niyang suntukin ang kausap, “That very moment I want to give him an uppercut. So paano kung walang nagbalik na kapitbahay eh di nawala na talaga yung aso!!!?
“This is what I realized.. A lot of people are still illiterate about animals. They will do crazy stuff to harm them… And they think it’s funny.
“We should have a rules (six) here in Philippines to educate people. How??? It should start sa mga barangay. Magkaroon ng program on how to take care of animals.
“I know sasabihin nyo walang aattend or hindi interested. Paano nyo sila mapapunta? Simple lang… Mag feeding program kayo. Magbigay ng mga pa bigas and bago ibigay ieducate sila about animals.
“Kailangan natin mag start sa maliit. Small act will make a big progress one day…
“Bakit ko pina pa start sa barangay? Coz mostly mga tao sa small barangays are uneducated. No offense. Hindi ko nilalahat,” litanya pa ng fur parent.
Pagpapatuloy pa niya, “But I remember I grew up in a small town where I witnessed our neighbors killing dogs para gawin pulutan. Or mistreat dogs and cats kasi maingay or nagnakaw ng food.
“Ayun lang!!!! Let’s protect the voiceless animals. It is God’s creation…. We should know how to take care and protect them,” sey pa ni RR Enriquez.