Xian Lim certified ice skater na: I thought it was impossible for me to learn a new skill this late

Xian Lim certified ice skater na: I thought it was impossible for me to learn a new skill this late

PHOTO: Instagram/@xianlimm

ISA nang certified ice skater ang singer-actor na si Xian Lim!

Ibinandera niya ‘yan mismo sa social media matapos makapasa sa “pre-Alpha Delta Test for ice skating.”

Sa Instagram, proud na ibinahagi ng aktor ang ilang clips ng kanyang training.

Nakwento pa nga niya na apat na buwan niyang inaral ito at hindi niya akalain na matututunan niya pa ito sa kabila ng kanyang edad.

“So I’ve been training to skate for around 4 months now. At first, I thought it was impossible for me to learn a new skill this late. Also for a lot of reasons — mentally [and] physically and what will others say about me,” kwento niya sa video.

Inamin din niya hindi madali ang pinagdaanan niya sa training at madalas pa siyang matumba.

Sey niya, “But with enough perseverance and the people who believed in me, I kept going. Today, I took my pre Alpha-Delta test. I passed. Congratulations, self.”

Maraming kapwa-artista naman ang humanga sa bagong achievement ni Xian at nagpaabot ng “congratulatory” messages.

Ilan lamang diyan ay sina Rita Avila, Bela Padilla, pati na rin ang Olympic figure skater na si Michael Martinez.

Pinag-aralan ng aktor ang ice skating para sa kanyang paghahanda sa upcoming teleserye ng GMA na pinamagatang “Hearts on Ice.”

Makakasama niya riyan ang aktres na si Ashley Ortega.

Related chika:

Xian Lim naglunsad ng sariling podcast: I’m excited that we can Experience Life together

Madam Inutz, Ima Castro, Vin Abrenica kanya-kanyang pasabog sa pa-birthday bash ni Genesis Gallios; Xian Lim pinagkaguluhan sa ‘concert’

Xian Lim, Kim Chiu nagkahiyaan sa 1st shooting day ng ‘Always’; Matinding dramahan, maraming iyakan

Read more...