Gary Valenciano sa estado ng kanyang kalusugan: I’m on my way to getting much better…

Gary V sa estado ng kanyang kalusugan: I’m on my way to getting much better…

PHOTO: Instagram/@garyvalenciano

NILINAW ni Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano na bumubuti na ang kanyang kalusugan.

‘Yan ay matapos mag-alala at mabahala ang mga kaibigan at tagasuporta ng OPM legend dahil sa ipinost niyang cryptic message sa social media.

Kung maaalala noong December 14 ay may tweet siya na tila may kaugnayan sa kanyang kalusugan at humihiling pa ng “milagro” mula sa Panginoon.

Sinabi pa nga niya sa nakaraang post na sana’y gabayan daw siya sa mga susunod na araw upang malampasan ang kanyang pinagdaanan.

Sey sa tweet noong nakaraan, “Lord…I’m going to need your miraculous touch to get me through tonight and the next few nights to come.

“Help me not lose the sense and spirit of Christmas in the middle of all@these challenges.”

Aniya, “Kindly help in keeping me healthy at all times Lord. In Your name Jesus I pray (folded hands emoji) Amen.”

Kinabukasan nga niyan ay klinaro ng veteran actor-singer na okay naman daw siya.

Humingi pa siya ng paumanhin dahil nagsanhi pa ng pagka-panic ang kanyang tweet.

Lahad niya sa recent twitter post, “Hi everyone. Looks like my last tweet caused many to panic (Face with Peeking Eye emoji)”

Patuloy pa niya, “My apologies (peace sign emoji) Thanks for your genuine concern (folded hands emoji) I’m on my way to getting much better friends (okay sign emoji) We all hit moments when our bodies just need to rest and i know that’s what I need.”

“I love you all. Thanks again. I’m OK (red heart emoji),” aniya.

14 years old pa lang ay mayroon nang sakit na diabetes ang 58-year-old na singer.

Matatandaan pa noong 2018 ay sumailalim sa “open heart surgery” si Gary V matapos may bumara sa malaking ugat nito sa puso dahil sa diabetes.

Sa parehong taon din nang ibinunyag ng OPM legend na mayroon siyang kidney cancer.

Related chika:

Gary humiling ng ‘milagro’ mula kay Lord, may matinding pinagdaraanan?

Gary Valenciano inamin kung gaano kahirap magkaroon ng sakit: Diabetes can be deceiving of all illnesses

Gary V excited na ibinandera ang bagong blessing sa pamilya: ‘Can’t believe I’m going to be a Pappy once again! Yyyyyippe!’

Read more...