HALF-MEANT kaya ang biro ni Joseph Marco na sa edad niyang 34 ay ngayon lang siya tumanggap underwear na ie-endorso niya.
Sabi kasi ng aktor sa ginanap na contract signing niya as the newest-additional endorser ng sikat na brand, “Yes finally pinayagan na ako ng parents ko to endorse ng underwear.
“First time kong mag-endorse ng underwear kaya tinanggap ko agad ang Hanford and I feel this is the perfect time to do this kind of endorsement.”
Present sa nasabing contract signing ang Mansfield executives Mr. Victor Te (President), Ms. Sincerely Te (Vice-President), Ms. Sheena Anne Te (Executive Vice-President) and Ms. Ma. Theresa S. Benedicto (Sales and Marketing Manager).
Labis namang nagpasalamat si Marco sa trust na ibinigay sa kanya, “2023 will be a good year, so, just watch for it. And of course I wanna thank Hanford family, thank you so much for the trust for being the new Hanford endorser. I’m very excited for the partnership.”
Na-curious tuloy ang media na dumalo sa event kung bakit si Marco ang kinuha nila at ang paliwanag ni Ms. Benedicto, “Joseph Marco, who stands out with his body awesome good looks. Unang kita palang namin kay Joseph ito na ‘yung perfect guy nd of course ‘yung qualities of a Hanford man who is healthy, physically fit and a well-rounded person.”
Ano naman komento ng aktor sa sinabing awesome siya, “I’m thankful ako na pinagkatiwalaan nila ako.”
Mukhang inihanda na talaga ni Marco ang sarili sa pagrampa nan aka-underwear dahil super slim siya at fit, ang ganda ng katawan at makikita ito kapag pinaskel na ang mga billboards niya sa major thoroughfare.
Sa Enero 2023 pa nakatakda ang pictorial ni Joseph para sa Hanford briefs kaya mega tiis siyang sa pagpipigil ng pagkain na natapat pa ngayong Holiday season.
Sa tanong kung may limitasyon ba ang aktor sa mga susuotin niyang underwear.
“At this point of my life, I can go all the way!” mabilis na sagot ng aktor.
Inamin din ni Joseph na pinangarap niyang makita ang sarili sa isang billboard na nasa kahabaan ng EDSA nan aka-underwear since health buff naman daw siya.
“I told myself that one day I’m gonna be that person (in the billboard). Nu’ng mga times na nakikita ko ‘yung Hanford, in-imagine ko na saba ako rin,” saad ni Joseph.
Naniniwala rin ang aktor na sa pagsusuot ng underwear ay makikita ng tao kung gaano ka-disiplina sa sarili ang may suot nito dahil litaw lahat at walang puwedeng itago.
Okay lang ban a pagpantasyahan si Joseph ng lahat at aminadong nakatanggap na rin siya ng indecent proposals pero lahat ay dedma. May trabaho naman daw siya kaya hindi niya kailangang magbenta ng katawan.
Related Chika:
Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life