PCG nagdeklara na ng ‘heightened alert’ para sa kapaskuhan

PCG nagdeklara na ng ‘heightened alert’ para sa kapaskuhan

MAHIGIT isang linggo nalang, magpa-Pasko na!

Dahil diyan ay mas pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad ng mga pasahero sa mga pantalan.

Inanunsyo ng PCG na nagdeklara na sila ng “heightened alert status”, lalo’ na’t inaasahang dadami ang mga pasahero ngayong papalapit na ang Pasko.

Ayon sa inilabas na pahayag ng PCG, sinimulan na nila ang heightened vessel inspections, nag-deploy ng mas maraming port personnel at nagkaroon na rin ng personnel help desk sa mga seaport terminal.

Ang “heightened alert status” ng PCG ay magtatagal ng hanggang January 7, 2023.

Bukod sa PCG, kamakailan lang ay nagpatupad ang Philippine National Police (PNP) ng “heightened security alert” na kung saan ay nagpakalat sila ng mas maraming pulis ngayong Christmas season.

Sa isang radio interview noong December 4, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ang kanilang pagde-deploy ay makakatulong upang maiwasan ang paglaganap ng mas maraming krimen.

Kinumpirma pa ni Fajardo na ang bilang ng mga krimen sa ganitong panahon ay tumataas.

Sinabi pa nga niya na nakikita ng PNP na magiging triple ang bilang ng mga krimen kumpara noong nakaraang Christmas season dahil mas relax ngayon ang pandemic policies na kung saan ay mas marami na ang pwedeng lumabas-labas.

Sey niya sa interview, “6,000 tourist-trained police forces are deployed this early so that our countrymen will feel more secure and they will be able to enjoy this holiday season.”

Naglabas na rin daw ng kautusan si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na kanselado ang lahat ng Christmas leave ng mga pulis mula December 15 hanggang January 10, 2023 bilang parte ng kanilang “heightened security alert.”

Related chika:

9 na LGUs sa Bicol binigyan ng ‘Seal of Good Local Governance’ award ng DILG

PNP magde-deploy ng mas maraming pulis ngayong kapaskuhan

Mga Pinoy mas bet makatanggap ng cash bilang regalo sa Pasko – survey

Read more...