NATAPOS na ang Miss International journey ng ating pambato na si Binibining Pilipinas Hannah Arnold.
Hindi man niya nakuha ang korona para sa Pilipinas, lubos naman siyang natutuwa na ipinaglaban niya ang ating bansa hanggang sa huli.
Sa Instagram post ng beauty queen ay proud niyang binalikan ang mga naging karanasan sa pageant.
Panimulang caption ni Hannah, “Ue o mireba kagiri nashi :: there is no end/limit to what you can achieve (shooting star emoji).
“This is a Japanese proverb that helped me overcome many challenges and find Hope over these past weeks (smiling face emoji).”
“It is something I wanted to share to the international community on stage but I share it today instead, and do so while happy and content (calm face emoji),” patuloy niya.
Sinabi rin ng beauty queen na uuwi siyang masaya sa Pilipinas dahil sa mga masasayang karanasan niya sa katatapos lang na pageant.
Caption ni Hannah, “My Miss International journey was absolutely unforgettable, It may seem cliche but I will truly be returning home with a grateful heart, a camera roll full of irreplaceable memories, many new sisters and mamas from around the world and the realisation that we truly can achieve anything.”
“Philippines it was an honour to wear you across my heart, for the past 2 years. I am proud to be Filipino. Mahal ko kayo (Philippines flag emoji),” aniya.
Hindi rin niya pinalagpas na magpasalamat sa Binibining Pilipinas organization, pati na rin sa mga patuloy na sumusuporta sa kanyang pageant journey.
Saad ni Hannah sa IG, “Thank you @bbpilipinasofficial for giving me the opportunity to be the representative for the 60th pageant, it has been a privilege being your Binibini (pink heart emoji).
“Thank you to everyone who had my back from day 1. It truly would not have been possible without you. Thank you especially to my mum, dad, Angela, Bd, Sir Patrick, Jessie, Jonas, Pat B, Pat A, Kurt and Arvin for listening to me every day of the competition no matter what time it was, giving me advise and for reminding me of my purpose (pleading face emoji).”
Patuloy pa niya, “Thank you Hannahbees for sticking by my side no matter what. That means the world to me.”
“For the last time I am Hannah Consencino Arnold your Binibining Pilipinas International 2021, and Miss International 2022 top 15 finalist. Maraming Salamat po sa inyong lahat,” pagtatapos niya sa mahabang mensahe.
Nitong December 13 lang nang mangyari ang coronation night ng Miss International competition sa Tokyo, Japan.
Nalaglag ang 26-taong-gulang na forensic scientist at model mula Masbate sa Top 8 ng patimpalak.
Samantala, si Jasmin Selberg ng Germany ang kinoronahan bilang bagong reyna ng nasabing pageant.
Related chika:
Hannah Arnold nasa Japan na para sa 2022 Miss International, ibabandera na ang Pilipinas: ‘Labaaan!’
Hannah Arnold humingi ng dasal at suporta bago sumabak sa Miss International pageant