Male singer inatake ng depresyon matapos lokohin ng dyowa, nalulong sa droga

Male singer inatake ng depresyon matapos lokohin ng dyowa, nalulong sa droga

Mahulaan n’yo kaya kung sino siya? Guess, guess na!

SOBRANG depressed pala ang kilalang male singer dahil naloko siya ng kanyang dyowa na siyang dahilan kaya ito nalulong sa bisyo.

At dahil itinago sa magulang ng singer ang kanyang depression at bisyo ay naging malapit siya sa isang kapwa male singer na may metal health issue rin dahil hindi niya alam kung saan patungo ang kanyang singing career.

Parehong may pinagdaraanan ang dalawang male singer kaya magkasundo sila sa masamang bisyo at ilang buwan ding tumagal ang kanilang samahan na ang ending ay pareho na silang nalulong.

Natauhan lang ang kaibigan na male singer kaya itinigil na ang bisyo dahil nakatakda siyang lumipad patungong ibang bansa para sa kaliwa’t kanang shows.

Samantalang ang kilalang male singer ay hindi pa rin tumitigil hanggang sa nasaid na siya at dumating pa sa puntong hirap na hirap na at nanglilimos na lang ng pangkain.

Hanggang sa nakilala na nga niya ang current girlfriend niya na tinulungan siyang makabangon muli kaya naman tuwang-tuwa ang kilalang male singer.

Nawala sa limelight ang kilalang male singer pero hindi naman siya nawalan ng gigs sa mga out of town show na good for him dahil ito na ang kanyang naging bread and butter.

Award-winning actor bumalik sa dating bisyo; 3 years nang walang trabaho

Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

Tekla nakipagbalikan sa dating ka-live in: ‘Nagdadalang-tao na naman ngayon si Michelle’

Read more...