Mga talent na ‘hindi pa kasikatan’ nababastos sa mga events; wala nang pagkain, ayaw pang bigyan ng tubig

Mga talent na 'hindi pa kasikatan' nababastos sa mga events; wala nang pagkain, ayaw pang bigyan ng tubig

Ace Philip Dalit

NAGLABAS ng saloobin ang isang talent tungkol sa mga nararanasang hindi patas na pagtrato sa mga tulad niyang artist ng ilang  kumpanya at produksyon.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-post ng open letter si Ace Philip Galit upang manawagan at makiusap sa lahat ng mga organizers ng events, companies o mga “possible clients po na kukuha ng mga talents.”

Si Ace ay nakilala bilang “shadow artist” na nakatanggap na Golden Buzzer sa “Asia’s Got Talent” noong 2019.

Narito ang ilang bahagi ng kanyang pahayag.

“PLEASE…

“Aminado naman po kami na hindi kami kasikatan. Na hindi pa po mataas ang aming nararating. Na hindi po kami maipagmamalaki pa.

“Pero sana po kahit ganon, bigyan niyo naman po kami ng maayos na holding area, pagkain, at komportableng lugar para po sa pag aayos ng mga gamit namin sa pag peperform. Masaya na po kami doon.

“Syempre po alam naman din po namin na wala kaming laban sa ibang mga guests niyo na sikat na at mga artista na naka aircon, may mga masasarap na foods at naka checked in pa sa mamahaling hotel.

“Gusto lang din po siguro naming maramdaman na natutuwa din po kayo kasi mag peperform kami sa event niyo. Na hindi po kami ETCHAPWERA,” simulang pagbabahagi ni Ace.


Pagpapatuloy pa niya, “So ito na nga yung kwento. Performer ako sa isang malaking event and mga sikat na artista at singers ang mga kasama ko. Syempre happy ako kasi mga bigatin yun! Tapos kasama ako sa line up ng mga performers.

“Pero sadly, nakatambay lang kami sa likod ng stage, nakaupo sa sahig, yung mga gamit namin walang paglagyan. Tapos pinapaalis pa kami minsan sa pwesto namin kasi masikip daw.

“Tapos nakikita ko ang nanay at tatay ko na nahihirapan kasi walang maupuan tapos adjust ng adjust ng gamit. Gutom na kami. Humingi ako ng tubig pero di kami nabigyan. Tapos yung mga kasama naming artista i chinecked in pa nila sa hotel. Kumakain at nagpapahinga pa,” lahad pa niya.

Ito naman ang naipangako niya sa gitna ng mga nararanasan bilang talent, “Kaya alam niyo po. Pag sumikat ako at nag ka event na guest ako. Promise po! Isasama ko yung mga di pa sikat sa dressing room ko.

“Ako na po magpapakain sa kanila kung wala silang food. Kasi po alam ko po yung hirap. Naranasan po namin yun.

“Yes po, bayad kami and wala kaming karapatang magreklamo. Hindi naman po kami nag iinarte. Pero ito naman po ay hiling lang namin na sana po ay mapagbigyan,” aniya pa.

Maraming mga naka-relate sa FB post ni Ace. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

“Friend legit copy ko toh daming orga na kupal, ginagawa tayong panabla ee mas nakikita satin yung talent, may booker lang ako na naging ganto kala mo Naman.”

“Next time include mo yn sa quotations mo pj. pwede kanmn mg demand kc cla yun kumuha sayo wg ka mahiya sa clients kc mg perform ka nmn….kung hindi ka mn direct jn or my booker ka,  isabi mo yn sa booker mo n frree foods and accomodation if ever kaya nila mg provide kung wla mn khit stand by area n comfortable ka ( pwedeng pwede yun kc cla yun kumuha at lumapit sayo).”

“NASA Contract ko lagi Yan,  Ito lagay mo – Client/Organizer should provide Decent and Comfortable Holding Area for changing Costumes,To rest while waiting for spot and to leave personal belongings.”

“Beb pede mo sya I request at isama sa contract na ipapasa mo sa kanila sa susunod. Rights mo naman magrequest nun since kinuha ka NILA magperform.”

Naka-chat namin si Ace sa pamamagitan ng Messenger at hiningan nga namin siya ng mensahe tungkol sa isyu at kung ano ang masasabi niya na maraming talents ang nagpasalamat at nagpahayag ng suporta sa kanya.

“Actually, masaya po. Kasi alam ko po yung pakiramdam na ma reject, mag hirap, yung hindi po mapansin, pagtawanan. Kaya po ginawa ko siyang motivation and gusto ko pong ishare sa kanila na wag panghinaan ng loob kasi balang araw, makikilala at matatanggap din po nila yung mga kakayahan natin,” aniya.

Matagal nang aktres usap-usapan sa showbiz events, bihira na lang mabigyan ng projects

Hirit ni Bea sa misis ni Dingdong: Magpapaka-close na ako, Marian, baka naman!

Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

Read more...