Bagong silang na sanggol may fetus sa loob ng tiyan, nanay na-shock: Nagulat si Dok, sabi niya buntis daw yung anak ko!

Bagong silang na sanggol may fetus sa loob ng tiyan, nanay na-shock: Nagulat si Dok, sabi niya buntis daw yung anak ko!

Ang bagong slang na sanggol na may fetus sa tiyan

HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang tungkol sa bagong-panganak na sanggol na may fetus sa kanyang tiyan.

Napanood namin ang kuwento ng ginang na si Maricris Albofera sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” last Sunday sa GMA hinggil sa kanyang  sanggol na babae na isinilang sa isang ospital sa General Santos City noong September 19, 2022.

Ayon kay Maricris, nang magpa-ultrasound siya ay napansin na ng doktor na medyo malaki sa pangkaraniwan ang tiyan ng kanyang ipinagbubuntis.

Ang findings sa isinagawang test sa bata, parang “buntis” nga raw ito kaya naman agad nang inoperahan ang sanggol para matiyak ang kundisyon nito.

Shookt ang doktor na nag-opera sa sanggol dahil isang fetus ang nasa loob ng tiyan ng bagong-silang na anak ni Maricris.

“Pag open sa tiyan ng baby ko, doon nagulat ang doktor. Sinabi ni Doc sa akin, ‘Yung baby mo, meron siyang fetus.

“Nagulat din si Dok dahil nabuntis din si baby. Buntis daw yung anak ko,” pagbabahagi ni Maricris.

Pagbabalik-tanaw ni Maricris, ang akala niya talaga ay kambal ang magiging anak niya dahil sa sobrang laki ng kanyang tiyan noong siya ay nagbubuntis pa lamang.

Sa unang pagpapa-ultrasound niya at nakitang may diperensiya ang kanyang baby, “Malaki ang tiyan niya dahil may volvulus daw siya. Ang bituka niya nag-twist. Sinabi nila na malaki daw ang tiyan ng baby ko.”

Ang volvulus ay isang kondisyon kung saan nagkabuhul-buhol ang bituka ng tao.

Nabatid na ang undeveloped fetus sa tiyab ng sanggol ay nabuo sa left ovary ng sanggol at may sukat na 12 x 11 x 8 centimeters.

Ang nangyari pala sa baby ni Maricris ay fetus on fetu, ayon kay Dr. Mark Anthony Naval na isang pediatric surgeon. Ito ay isang “malformed vertebrate fetus enclosed within the body of its twin,” ayon sa isang health website.

“May nakita ako doong dalawang limbs na maaari itong maging paa o kamay. Meron ding nakitang mga buhok at spinal column,” sabi ng doktor.

Aniya pa, “Kung iisipin po natin na may fetus sa loob ng abdomen, e, parang buntis si Baby. Pero sa katunayan, yun ay yung kambal niya o parasitic twin.

“Ang isa sa mga dahilan ay may unequal division sa pag-form ng blastocyst na puwedeng ika-cause ng parasitic twin,” paliwanag ng doktor.

Ayon naman kay Dr. Maria Clara Esquivas-Chua, isang obstetrician-gynecologist, “Mula nung nabuo yung pregnancy, meron nang tumubong parang aberrant cell. Mali yung cell na tumubo, nag-proliferate, naging cyst siya.”

Mensahe pa ni Maricris tungkol sa kanyang anak, “Sa lahat ng pinagdaanan niya, naka-survive siya. Fighter talaga siya.”

Nagtrabaho bilang yaya para makapag-aral, top 1 sa Licensure Examination for Teachers

Cristy Fermin sa diumano’y pagbubuntis ni Julia Montes: Aminin kung totoo

Yassi Pressman rumesbak sa mga nagsabing lumobo ang kanyang tiyan at lumapad ang balakang

Read more...