Vhong Navarro sinalubong ng yakap ng mga anak sa pag-uwi, babalik na ba sa ‘Showtime’?

Vhong Navarro sinalubong ng yakap ng mga anak sa pag-uwi, babalik na ba sa 'Showtime'?
TULUYAN na ngang nakauwi sa kanilang tahanan ang TV host-comedian na si Vhong Navarro matapos ang halos tatlong buwan nitong pagkakapiit sa NBI Detention Center at Taguig City Jail.

Inilabas na kasi ang resulta ng petisyon nila na makapag-bail nitong Martes ng umaga, kung saan pinayagan siyang makapagpiyansa ng P1 milyon para sa pansamantala nitong kalayaan.

At sa latest episode nga ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Tita Jegs ay napag-usapan nila ang pag-uwi ni Vhong.

Aniya, para nga raw nanalo sa lotto ang mga kapamilya at kaibigan ng TV host-comedian nang payagan itong makapagpiyansa.

Nakausap rin daw niya ang mga ina ng mga anak ng “Showtime” host na sina Bianca Lapus at Ciara at sinabing hindi raw nila mai-describe ang katuwaan ng mga anak nang makita ang ama.

“Pagdating ni Vhong sa kanilang bahay ay nagtatatalon ang mga bata sa tuwa. Napakahigpit na yakap na halos ayaw nang pakawalan si Vhong ng kaniyang mga anak,” anang ulat ni Ogie Diaz.

Aminado rin sina Bianca na nagkaroon ng anxiety ang kanilang mga anak matapos makulong ang ama.

“Nag-iyakan din ang mga ito dala ng pagkamiss nila sa kanilang Daddy Vhong,” dagdag pa ni Ogie.

May mga kaibigan rin daw na dumalaw sa komedyante nang makauwi ito at mayroon ring mga nakausap niya sa pamamagitan ng video call.

Sa ngayon naman ay magpapahinga raw muna si Vhong at babawi sa mga oras na nagkahiwalay sila ng kanyang pamilya bago ito tuluyang magbalik sa noontime show na “It’s Showtime”.

Related Chika:
Hiling ng kampo ni Vhong Navarro: ‘Sana makalaya na siya sa Pasko at makasama ang pamilya’

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Vhong Navarro nakakulong na sa NBI detention center para sa kasong rape; abogado aapela para sa piyansa

Madlang pipol kanya-kanyang hugot sa pagkakulong ni Vhong Navarro; ‘It’s Showtime’ hosts nag-group hug

Read more...