Boy Abunda tuluyan na nga bang magbabalik Kapuso?

Boy Abunda tuluyan na nga bang magbabalik Kapuso?
PALAISIPAN ngayon sa mga netizens kung tuluyan na nga bang magiging magbabalik ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda sa GMA Network.

Ito ay matapos mag-post ng GMA Network sa kanilang Instagram account ng teaser patungkol sa showbiz icon na magbabalik sa kanilang bakuran.

Marami sa madlang pipol ang nagsasabing si Boy Abunda raw ang tinutukoy ng post dahil sa caption at sa kulay ng artcard.

Ayon kasi sa caption, “Handa na BA ang lahat para sa HOMECOMING ng isang SHOWBIZ icon? Abangan ang kanyang pagbabalik sa GMA coming soon.”

Makikitang naka-capitalize ang BA na initial ni Tito Boy maging ang kulay na purple at ang upuan raw na may kinalaman sa kanyang YouTube channel na The Purple chair.

“Boy Abunda, OMG! Natuloy rin!!” komento ng isang netizen.

“Ay Tito Boy! Welcome back to Kapuso!” sey pa ng isa.

Matatandaang matagal nang usap-usapan kung mananatili nga ba siya sa ABS-CBN o tuluyan na siyang magbabalik sa GMA 7.

Aminado nga si Tito Boy na hirap siya sa pagdedesisyon kung anong network ang kanyang pipiliin.

“That’s not an easy decision. As I talk now, hindi talaga madali. Hindi ako nagsisinungaling sa pagsabi kong ‘di ko pa alam. May mga kausap na ako pero wala pa akong pinipirmahan,” ang pahayag ng veteran TV host sa panayam ng ABS-CBN.

Ani Tito Boy, kung ano man ang kanyang mapili ay sisiguraduhin niyang hindi siya magbu-burn ng brodges at magiging maayos ang kanyang pakikipag-usap.

Amin pa niya, nasa punto siya na matagal na siya sa industriya at malapit na siyang malaos kaya talagang pinag-iisipan niyang maigi ang desisyon.

Lahad ni Tito Boy, “I’m not starting a career. I’ve been doing this for so long. Malapit na akong malaos, for the lack of a better word. All of us go. If there’s one immutable law in showbiz, it is nothing lasts forever.

“So I’m at that stage where I want to go back to television. I want to be able to do what I can do best.”

Well, abangan na lang natin kung si Tito Boy nga ba ang magbabalik Kapuso.

Related Chika:
Boy Abunda hirap na hirap magdesisyon kung mananatili sa ABS-CBN o babalik sa GMA: Gustung-gusto ko nang bumalik sa TV

Boy Abunda balik-TV na, Kapuso nga ba o Kapamilya pa rin?

Boy Abunda naging emosyonal nang muling makapasok sa MET, nag-enjoy sa pagho-host ng 5th The EDDYS

Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?

Read more...