FEELING “broken” at “defeated” ang British-Filipino host-model na si Kat Alano matapos lumabas ang balita patungkol kay Vhong Navarro.
Pinayagan na kasi ang TV host-comedian na makapagpiyansa sa halagang isang milyon para sa pansamantala nitong kalayaan ukol sa kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa mga pangyayari.
“I feel sick. This is so wrong. It’s all wrong. Bahala na kayo Pilipinas. You deserve what you asked for,” saad ni Kat.
Pagpapatuloy pa niya, “Sana hindi mangyari sa inyo ito. It’s a nightmare that keeps going. Evil wins.”
Sa hiwalay na tweet ay ibinahagi ni Kat na hindi siya tumitigil sa pag-iyak.
“I can’t stop crying. I feel broken and defeated. Ayaw ko na talaga,” lahad niya.
Matatandaang noong 2014 nang ihayag ni Kat na may isang sikat na celebrity na diumano’y nang-rape at nandroga sa kanya. Bukod pa rito ay nagsagawa rin daw ito ng “smear campaigns” para sirain ang kanyang career.
Wala namang sinabing pangalan ang model-host ngunit nagbigay ito ng clue at sinabing ang pangalan nito ay katunog ng salitang “wrong”.
Matatandaang noong Setyembre 19 nang maglabas ng warrant of arrest laban kay Vhong para sa kasong rape na non-bailable.
Umapela naman ang kanyang kampo at nagpetisyon na makapagpiyansa ang “It’s Showtime” host para sa pansamantala nitong kalayaan.
At nitong December 6 nga ng umaga ay pinayagan na ng Taguig Regional Trial Court na makapagpiyansa si Vhong sa halagang P1 million.
Related Chika:
]Kat Alano umalma sa pamba-bash na natatanggap: Akala n’yo madali ito?
VJ-TV host Kat Alano nakamit na ang hustisya matapos gahasain ng kilalang celebrity 17 years ago