Deanna Wong kinawayan at nginitian ang isang fan sa El Nido, bumabawi nga ba matapos ang ‘pangdededma’ issue?

Deanna Wong kinawayan at nginitian ang isang fan sa El Nido, bumabawi nga ba matapos ang 'pangdededma' issue?
MATAPOS ang isyu patungkol sa diumano’y pang-iisnab ng volleyball player na si Deanna Wong ay nanatili itong tahimik mula sa akusasyon sa kanya sa social media.

Ngunit pinatunayan ng ibang mga fans na walang katotohanan ang mga ito at marahil “pagod” lang ang dalaga o gusto lamang i-enjoy ang kanilang bakasyon sa Boracay.

Sa katunayan, viral ngayon ang video ni Deanna kung saan makikita siyang kumakaway at nakangiting bumati sa kanyang fan.

Nagbakasyon kasi ang dalaga kasama ang kanyang partner na si Ivy Lacsina sa El Nido, Palawan at natiyempuhan ang dalawa ng fan habang namamasyal.

Makikita sa tweet ni @beyuhdel ang pagpansin sa kanya ni Deanna habang nakasakay ito sa sidecar kasama si Ivy na nag-flying kiss pa at kumaway rin.

Pabiro pa ngang nagsabi ng “bawal po” si Ivy matapos nilang kumaway sa kanilang fan.

“wag muna kayong umuwi! huhu I’m happy to see u na nag-eenjoy lang,” caption sa post ng fan.

Marami naman sa mga netizens ang nag-react sa naturang video ni Deanna na todo kaway sa fan.

“Yan ang gsto nla na buhay simple lang ung nag ineenjoy ang moment n magksma clang dlwa.cute nilang tignan na nakasakay cla sa sidecar.Yn ang hnd feeling sikat ksi hnd maarte at lhat pinapakisamahan nla. enjoy lng kayo jn deavy.masaya kmi na nakkita nmin kayo masaya love [you] both,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Wag kakalimutan sa darating na Halalan hahaha char! Prang na ngangampanya lng Mukhang mas Best ang Palawan kesa sa Boracay lol! mas respectful ung mga empleyado at tao.”

Maging si Rendon Labador ay nag-komento at pinuri si Deanna sa ginawa nito.

“Yan ang maganda! Kahit plastik lang ang kaway at ngiti okay na. Ayaw ko lang kasi ay makita ng lahat sa socmed ang hindi magandang galawan. Inaayos ko ang mindset ng kabataan tapos sisirain ninyo lang? Doon ako nagagalit. Kaya tama ‘yan Boss D! Kung ganyan lang ang pinapakita mo eh di magkakasundo tayo,” sey niya sa comment section ng post ng Balita.

Hirit pa niya, “Naniniwala akong magbabago ka pa for the better! #stayMotivated.”

Matatandaang isa si Rendon sa mga nag-callout sa volleyball player patungkol sa “pangdededma” nito sa isang fan na tumatawag sa kanya habang pasakay ng sasakyan sa Boracay.

Bagamat marami sa mga netizens at mga kilalang personalidad ang naghayag ng saloobin ukol sa pangyayari ay nanatili namang tahimik si Deanna.

Samantala, naglabas naman na ng official statement ang kaniyang management patungkol rito.

Related Chika:
Kuya Kim apektado sa pangdededma ng volleyball team sa mga fans sa Bora; may kumampi pero meron ding kumontra

Deanna Wong hindi naging madali ang pag-amin noon sa mga magulang: Hindi kami nagkasundo

Deanna Wong, Ivy Lacsina sweet na sweet, netizens kinilig: ‘Status reveal naman diyarn!’

Read more...