Ma-gets n’yo kaya kung sino ang girlalu na ito? Hula na!
NALOKA ang handler ng kilalang aktres sa tinuran ng kanyang alaga dahil siya ang nahiya sa inaasal nito habang binibigyan ng instruction ng production staff para sa shoot ng TV commercial.
Ang nasabing handler kasi ang kakilala ng executive ng ahensya na kumuha sa kilalang aktres para sa bago nitong TVC.
Naihinga sa amin ng handler ang inasal ng kilalang aktres na gusto niyang batukan sa galit dahil sobra siyang nahiya gayung super build-up niya ito sa executive at kung anu-ano pa.
Inamin din sa amin na malaki ang talent fee na hiningi ng manager ng alaga niya na ibinigay naman at hindi pa tumawad.
“Nakakagalit! Alam mo ‘yung super build-up ka tapos ganu’n ginawa? Sinabi ko naman beforehand na kaibigan ko pati si _____(manager) alam ‘yung negosasyon kaya pati siya sinabihan din niya si ____ (kilalang aktres).
“Napahiya ako, kasi super late dumating ang lola mo, imagine three hours late? Panay ang tawag ko at text hindi ako sinasagot. Tapos pagdating nakasimangot.
“So, pagdating salang agad sa make-up tapos habang mine-make-apan sinasabi ng staff kung ano ang gagawin niya sa shoot, alam mo bang nagro-roll ang mata? Gusto kong dukutin. Yung staff napaurong nga kasi nabigla, pero since work ito sige lang.
“Hiyang-hiya ako the whole time na nagsu-shoot kasi simangot talaga at pag sinabi ng director na roll na, doon lang ngingiti at masigla after that simangot na uli.
“Usapang milyones ang talent fee, huh? Hindi ito barya lang for one-year contract, imagine mo?” detalyadong kuwento ng handler ng kilalang aktres.
Ang TVC shoot ng kilalang aktres ay well-known product at nabanggit namin na parang hindi naman naramdaman o napansin. Kailan ba ito na-shoot?
“See, wala, di ba? Kasi nga hindi siya nag-promote sa social media accounts na milyones ang followers niya. Hindi man lang siya tumulong sa product, though kilala naman na. Sobrang turned-off talaga ‘tong lola mo!” sabi sa amin.
Hiningi namin ang permiso kung puwede naming isulat ang isyung ito sa kilalang aktres, “Oo! Para kung sakaling mabasa niya alam niya para magtino siya.”
Sabi pa namin na maganda ang imahe ng kilalang aktres sa lahat dahil nga may advocacy siya at tumutulong talaga.
“Oo nga, kung alam lang nila ang tunay niyang ugali. Hindi ko siya kinakaya sa totoo lang. Sana nga bukal sa loob niya pagtulong hindi ‘yung ginagamit lang niya para bumango name niya,” sagot ng handler.
E, teka alaga niya ang kilalang aktres pero hindi maganda ang kuwento niya, ano sabi ang sabi ng manager.
“Gigil na rin si _____ (manager), sobrang mabait lang talaga kaya hinahayaan niya, ako na raw bahalang dumisiplina. Hindi ko alam anong disiplina gagawin ko, sobra talaga,” gigil na kuwento pa ng aming source.
Kilalang aktor sakit sa ulo dahil sa nakakaimbyernang attitude; ‘Sana Maulit Muli’ ipapalabas sa Manila Metropolitan Theater
Magaling na character actor niloloko ng handler, sobra-sobrang kumaltas ng komisyon sa telent fee
Posible pa kayang magkabalikan sina Moira dela Torre at Jason Hernandez?