MULING binuksan sa publiko ang “Roosevelt Station” ng Light Rail Transit System Line 1 (LRT-1).
Matatandaang isinara ang nasabing istasyon noong September 2020 upang magbigay-daan sa isinasagawang konstruksyon ng “Unified Grand Central Station” o ‘yung istasyon na nagdurugtong sa LRT-1, MRT-3, at MRT-7.
At nitong weekend nga lang, December 3 at 4, ay pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng LRT-1 para mapaghandaan ang pagbubukas nito sa publiko.
Sa Facebook, masayang ibinalita ng private operator na Light Rail Manila Corp. (LRMC) na pwede na ulit masakyan ang first station ng LRT-1.
“Matapos ang successful series of readiness tests, trial runs, station maintenance works at operational exercises na isinagawa ng LRMC sa buong linya ng #LRT1 nitong Sabado (03 Dec 2022) at Linggo (04 Dec 2022), ready na sa MULING PAGBUBUKAS para sa commercial operations ang LRT-1 Roosevelt Station.”
Ibig sabihin, 20 stations na ang fully operational sa LRT-1 simula sa Roosevelt Station hanggang Baclaran Station.
Kasabay ng reopening ay mayroon ding bagong schedule ang LRT-1.
Kapag weekdays, ang last trip sa Baclaran ay 10 p.m. habang sa Roosevelt Station ay 10:15 p.m.
Wala namang nagbago sa first trip sa northbound at southbound na magsisimula pa rin ng 4:30 a.m.
Read more:
Paalala: LRT-1 hindi muna magsasakay ng mga pasahero sa Dec. 3 at 4
LRT wala nang libreng sakay sa mga estudyante
‘Libreng Sakay at Meryenda,’ handog ng TNT sa LRT-1 passengers sa ika-12 ng Setyembre