Netizens naniniwalang gagaling si Kris, natuwa nang makita ang litrato nila ni Darla: ‘Alam naming malakas ka kay Lord!’

Netizens naniniwalang gagaling si Kris, natuwa nang makita ang litrato nila ni Darla: 'Alam naming malakas ka kay Lord!'

Darla Sauler, Kris Aquino at Bimby Aquino Yap

TUWANG-TUWA at muling nabuhayan ng loob ang mga loyal fans at social media followers ng Queen of All Media na si Kris Aquino nang makita nila ang latest photo nito kasama si Darla Sauler.

Umani ng magagandang reaksyon mula sa netizens ang Instagram post ni Darla na kuha sa tinutuluyan ni Kris sa Amerika kasama ang dalawa niyang anak na sina Bimby at Joshua.

“You always make time for family. Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy.

“Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino,” ang caption ni Darla sa ipinost niyang photo na may kasama pang heart emoji.

Maraming natuwa sa pagbisita ng dating head writer ng “Kris TV” sa mag-iina at ayon nga sa nga netizens, mukhang patuloy na ang pagbuti ng kanyang kundisyon dahil unti-unti na ring bumabalik ang kanyang itsura.

Bago ang pagkikita nila sa US, ang huling pagbisita niya kay Kris ay noong nagdaang Abril. Iyon din ang una nilang pagkikita makalipas ang tatlong taon (panahon ng pandemya) pero ani Darla, hindi naputol ang komunikasyon nila.

“Ganu’n talaga ‘pag ‘yung katrabaho mo, nagtitiwala sa ’yo at tinatrato kang kaibigan. Eventually, magiging pamilya talaga kayo. Kaya nakaka-emo (emotional) to see Kuya and lalo na si Bimb na literal kong nasubaybayan ang paglaki,” ang pahayag ni Darla sa kanyang IG post noon.


Kasunod nga nito ay ang pagbuhos ng magaganda at positibong mensahe mula sa kanyang mga supporters na hanggang ngayon ay umaasa at nagdarasal sa kanyang paggaling.

“Aww. Nakaka-happy naman makita si Ms. Kris na maayos na ulit.”

“Happy to see the latest photo of Ms. Kris Aquino thru you, Darla (a very reliable source). Get well soon, Ms. @krisaquino. Waiting to see you back on screen, doing what you love and do best. God bless you!”

“Happy to see your health is improving, Kris… pray lang and trust HIM.”

“Happy to see you Kris. ewan ko ba diyan kay kristy Fermin lagi na lng NEGATIVE yong sinasabi saiyo! DALANGIn KO ANG IYONG PAG-GALING ALAM KOPO Ms. Kris na malakas ka kay Lord.”

“Maa’m Kris magpagaling po kayo maraming tao po nag darasal po sa inyo. At isa na po ako don. Tuwing gabi pinag darasal po kita na sana’y gumaling na po kayo… Alam po namin na hindi po kayo pababayaan ng panginoon…. God bless po.. Stay safe with your family.”

“Love ko tong pamilya kahit hindi nyo ako kilala saan ka man mapunta kakampi mo ako hanggang sa huli laban lang.”

“She looks better now ms darla. Need nya lang mag gain ng konting weight. i hope and pray kahit papano maging ok na sya kahit hindi 100 percent.”

Nauna nang ibinalita ni Kris na maaaring 18 buwan siya mananatili sa Amerika para sa kanyang “extensive diagnosis and treatment” na magsisimula sa susunod na taon.

Kris hindi pa rin nakakaalis ng Pinas para magpagamot; Darla super emote nang muling makita sina Bimby at Josh

Joshua ‘dyodyowain’ si Ivana: Choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy, lahat na!

Kim Molina naiyak nang makita at mahalikan si Regine: Pasensya na po, hindi na naman napigilan ang ate fangirl n’yo!

Read more...