Balenciaga nag-sorry sa viral campaign ad: ‘It was never our intent to include such an awful subject…’

Balenciaga nag-sorry sa viral campaign ad: ‘It was never our intent to include such an awful subject…’

PHOTO: Instagram/@demnagram

KASABAY ng pagtanggal ng dalawang bagong campaign advertisement ng luxury fashion brand na Balenciaga ay lubos itong humihingi ng tawad sa publiko.

Kamakailan lang kasi ay naging usap-usapan sa social media ang campaign ads ng kumpanya na kung saan ay tampok ang ilang mga batang model.

Makikita sa mga litrato na nagpo-pose ang mga ito na dala ang mga bagong produkto ng luxury brand.

Pero marami ang na-offend umano sa kinalabasan nito.

May mga nagsabi pa na isa itong “child abuse” dahil hindi akma umano ang mga produkto sa mga naging model.

Sa pamamagitan ng Instagram ay naglabas ng pahayag ang Creative Director ng Balenciaga na si Demna at personal siyang humingi ng sorry.

Sey niya sa isang IG post, “I want to personally apologize for the wrong artistic choice of concept for the gifting campaign with the kids and I take my responsibility.

“It was inappropriate to have kids promote objects that had nothing to do with them.”

Kailan man daw ay hindi niya naging intensyon na i-promote ang child abuse.

Sa katunayan pa nga raw ay lubos niya itong kinokondena.

Caption niya, “As much as I would sometimes like to provoke a thought through my work, I would NEVER have an intention to do that with such an awful subject as child abuse that I condemn. Period.”

“I need to learn from this, listen and engage with child protection organizations to know how I can contribute and help on this terrible subject,” patuloy pa niya.

Humingi ng tawad si Demna sa lahat ng nasaktan sa mga inilabas nilang visuals at nangako din siya na hindi na ito  mauulit sa mga susunod nilang campaign ads.

Sey niya sa post, “I apologize to anyone offended by the visuals and Balenciaga has guaranteed that adequate measures will be taken not only to avoid similar mistakes in the future but also to take accountability in protecting child welfare in every way we can.”

Bago ‘yan ay may nilabas nang official statement ang mismong luxury fashion brand at sinabi nila na iniimbestigahan na nila ang nangyari.

Inaako ng kompanya ang pagkakamali sa campaign ads at sinabi pa nito na hindi raw nilang intensyon ang masamang kinalabasan nito.

Sabi sa isang IG post, “We would like to address the controversies surrounding our recent ad campaigns.”

Dagdag pa nila, “We strongly condemn child abuse; it was never our intent to include it in our narrative.

“The two separate ad campaigns in question reflect a series of grievous errors for which Balenciaga takes responsibility.”

Related chika:

‘Pandemic Effect’ ad binatikos ng netizens, Belo nag-sorry: ‘The film is insensitive and upsetting’

Xian Gaza niregaluhan ng Gucci at Chanel si Zeinab Harake, nai-inlove na nga ba?

Angel Locsin nagbabala sa publiko ukol sa kumakalat niyang fake ads

Read more...