MATAGUMPAY ang ginanap na makabuluhang entertainment event ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) sa kanto ng Sct. Borromeo at EDSA noong Bonifacio Day, November 30.
Sumugod doon ang ilang celebrities, cosplayers at iba pang kilalang personalidad sa iba’t ibang larangan para makisaya at makiisa sa ipinaglalaban ng CAPMI sa pangunguna ng chairman nitong si Dr. Michael Aragon.
In fairness, nag-enjoy kami sa nasabing pasabog ng CAPMI, lalo na ang pagrampa at pagparada ng mga lumahok sa
Ang nakababahalang isyu tungkol sa climate emergency ang isa sa mga tinalakay ng mga personalidad na naanyayahan sa nasabing okasyon kung saan inisa-isa nila ang mga puntos na kailangang malaman ng bawat Filipino hinggil sa usaping ito.
Natutuwa at mas lalo pang na-inspire ang CAPMI dahil sa dami ng dumalo at nakiisa sa kanilang panawagan na magpahayag ng kanilang suporta sa malarebolusyonaryong pakikibaka at pakikipaglaban para sa climate change.
Naroon ang singer-actor na si Lance Raymundo, ang character actress na si Chase Romero, at ang actress-beauty queen na si Ali Forbes para suportahan ang panawagan at pag-apela sa mga sinasabing polluters na bawasan na ang kanilang carbon footprints nang kahit paano ay makaiwas sa deadly effects ng climate change.
Ang Pilipinas ay hindi carbon polluter na bansa dahil sa pananaliksik, ang greenhouse gas emissions ay less than 1 per cent (0.03% lang) kumpara sa industrialized nations na gaya ng Tsina Amerika, India at marami pa.
Ang lead convener ng multi-sector na grupo ay ang environmental watchdog ngang CAPMI na nais makatulong sa laban ng mundo kontra climate change.
“Tayo ngayon ay nasa proseso ng paghahain ng trillion dollar class suit laban sa mga polluter countries sa buong mundo.
“And to hold them responsible sa lahat ng epektong idinulot nito sa climate change ng ating bansang Pilipinas,” ayon kay CAPMI President Dr. Leo Olarte.
“Ang international class suit ay ihahain sa international tribunal laban sa highly industriized carbon polluter na mga bansa gaya ng Amerika, Tsina, India, to hold them legally accountable sa naging makamandag na epekto nito hindi lang sa bansa kundi sa mundo,” sabi pa naya.
Kaya naman ang plano, hihingi sila ng sizable amount sa ating pamahalaan para magamit sa mitigation, adaptation, at resiliency programs.
Samantala, matagal na rin palang supporter ng adbokasiya ng CAPMI sa climate change ang aktres na si Ali Forbes at talagang nangano siya na maglalaan din ng sapat na panahon para sa awareness program nina Dr. Aragon.
“Taong 2012 pa kami magkakasama nina Doc sa mga show at ‘yan na ang pinalaganap namin. Kumbaga, pagsisimula ng isang rebolusyon gaya ng sabi niya. Na ngayon umabot na sa pag-file ng class suit,” ani Ali.
Aniya, napakalaking tulong na ng mga simpleng gawain sa laban ng buong mundo sa climate change tulad ng pag-iwas sa paggamit ng plastic, mga balot ng kendi at ang pagse-segregate sa mga bulok at hindi nabubulok na basura at ang pagtatanim.
Anyway, ibinalita rin ni Ali na natapos na nila ang shooting para sa bagong proyekto ng Saranggola Media, ang “Erotika” at bukod dito ay sisimulan na rin niya ang pelikulang “Lanao” mula sa Mamay Productions.
Bukod nga sa makabuluhang adhikain nh CAPMI, mas pinasaya at pinakulay pa ng “Dance Versus Climate Change (From the Philippines to the World)” ang naturang event.
Nagkaroon ng “Costume With Dance ” challenge na ang grand prize ay P30,000 na ipinagkaloob sa best dance na may full costume. Lahat ng contestants ay rumampa sa kalye at sumayaw sa loob ng 25 minuto with marathon judging.
Samantala, para naman sa cosplay contest na pagandahan naman ng costume, ang nanalo ay mlnag-uwi ng P20,000, P15,000 sa 2nd place, P10,000 sa 3rd place habang ang consolation prizes ay P2,000 at P1,000 each.
‘May topak ka’: Bianca Gonzalez may swabeng bwelta sa bastos na basher