Diaper pak na pak na ‘DIY’ pantapal sa butas na bubong; 2 bagyo na ang dumaan epektib pa rin

Diaper pak na pak na 'DIY' pantapal sa butas na kisame; 2 bagyo na ang dumaan epektib pa rin

Ang paandar ng DIY pantapal sa butas na kisame

UMANI ng samu’t saring reaksyon ang “DIY” o ang pa-do-it-yourself paandar ng isang netizen sa kanilang butas at sablay nang bubungan.

In fairness, pagmamalaki ng Facebook user na si Joel Valmadrid, subok na matibay at subok na matatag daw ang ginamit niyang pangtapal sa butas ng kisame ng kanilang bahay.

Kuwento ni Joel, dalawang malalakad na bagyo na raw ang dumaan pero matindi pa rin ang pagkakakapit ng ginamit niyang baby diaper sa tumutulo nilang bubong.

Chika ng pamilyado nang netizen, wala raw siyang makitang pangtapal sa kanilang kisame na tumatagas ang tubig kapag umuulan kaya naman naisipan niyang subukan ang baby diaper.

Ani Joel, nanalasa na raw ang bagyong Ulysses at Paeng sa bansa ngunit nananatiling epektib ang kanyang DIY pantapal sa butas na bubong.

Kalakip ang litrato ng kanilang kisame, narito ang inilagay niyang caption, “Flakes (Flex) ko lang yung waterproofing ng kisame namin. Sobrang effective, napakahumpy nga lang.”

Dagdag pang chika ni Joel, matipid din daw itong gamitin dahil reusable ang diaper kapag natuyo.

Narito naman ang mga nabasa naming comments sa FB post ng netizens mula sa kanyang friends and followers

“Ang taba ng utak!”

“Disposable alulod sir.”

“Nakakuha ako bigla ng idea sir hahaha taba ng utak.”

“Dami ko na iniisip dumagdag pa ‘yan hahaha.”

“Pare pwede ba kaming mag pakabit ng ganyan.”

“Baligtad po yata sir ang lagay pano msspo un tubig.”

Neri Miranda may hugot sa ear piercing: Mas masakit pa yung panloloko ng ibang tao sa ’yo…

Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao

Ivana dumaan din sa matinding hirap: May time na wala akong raket kasi pangit ako…

Read more...