MUKHANG hindi nagpadaig ang aktres na si Coleen Garcia matapos manalong grand champion ang kanyang mister na si Billy Crawford sa katatapos lang na “Dancing with the Stars” competition.
Dahil kinilala namang “Best Actress” si Coleen sa El Grito International Fantastic Film Festival na naganap sa bansang Venezuela.
Ang pagkilala kay Coleen ay para sa kanyang pagganap sa horror movie na “Kaluskos.”
Masayang-masaya ang aktres sa nakuhang parangal at ito ay kanyang ibinandera sa Instagram.
Ayon pa sa kanya, ang natanggap niyang panalo ay isang karangalan para sa kanya.
Sey niya sa caption, “Yesterday I woke up to the exciting news that I won Best Actress at the El Grito International Fantastic Film Festival in Venezuela! (smiling face with hearts emoji) Thank you so much to the jury for selecting me. I am so honored! (white heart emoji)”
Lubos din siyang nagpapasalamat sa direktor ng pelikula na si Roman Perez Jr. sa tiwalang ibinigay sa kanya.
Aniya, “Thank yooouuu, Direk @manru and @viva_films, for the trust, and for giving me the opportunity to play Rebekah.”
Dagdag pa niya, “Thank you, Lord, for carrying me through all of it. (white heart emoji) I learned a lot from this project, and working on it really reminded me why I love what I do!”
May hiwalay na post din si Direk Roman at ikinuwento pa na nalaman niya ang magandang balita matapos makatanggap ng email mula sa film festival sa Venezuela.
Lahad sa screenshot post ng direktor, “The jury made up of Lina Duran (director of the Insolito Festival), Hernan Moyano (producer and director), and Cristian Jaramillo (director of the Fantasmagoria Festival) have awarded Coleen Garcia the best actress award.”
“From the organization we want to congratulate you on these well- deserved recognitions, it is an honor to have had your participation and include your work in our catalog of winners,” saad pa sa email ng film fest.
Ito na ang ikalawang international award na nakakuha ng pagkilala si Direk Roman para sa kanyang pelikula.
Una na riyan ang naiuwing “Best Actress of the Year” ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa mula sa Dubai International Arab Festival Awards (DIAFA).
Ito naman ay para sa kanyang pagganap sa Philippine adaptation ng 2010 South Korean hit thriller na “The Housemaid.”
Related chika:
Coleen Garcia handang isakripisyo ang career para matutukan ang paglaki ni Amari
Coleen Garcia sa pag-aalaga kay Amari: Hindi siya ma-tantrum, ang dali-dali niyang alagaan