MARAMI ang nagulat sa naging rebelasyon ng international pop star na si Charlie Puth kasabay ng kanyang ika-31st birthday.
Ibinandera na niya kasi ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Brooke Sansone!
Sa Instagram, makikita ang black and white sweet photos nilang dalawa.
May caption pa itong, “Ohhhhh I’m NOT a loser…’cause I didn’t lose her!!! (Happy birthday to me.)”
Maraming netizens naman ang napa-comment sa post at karamihan sa kanila ay nagulat sa post ng singer.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Now I’m heartbroken, but I’m happy for you Charlie (green heart emoji)”
“I can’t wait for the wedding (red heart emoji)”
“charlie this feels like betrayal but I’m happy”
“who this and why she with my man!”
Noong Marso nang mag-umpisang kumalat ang tsismis na may bagong girlfriend si Charlie.
Nitong Oktubre naman nang ibinunyag ng pop star na may dine-date siya at sinabi pa niya na ito ay kanyang kababata.
Chika noon ng singer, “She’s someone that I grew up with in New Jersey.”
Dagdag pa niya, “As my life gets more turbulent and I travel everywhere, it’s nice to have someone close to you that you’ve known for a very long time.”
Bago magkaroon ng girlfriend, maraming beses nang na-link si Charlie sa ilang bigating artists.
Ilan na riyan sina Selena Gomez, Charlotte Lawrence, Bella Thorne at Halston Sage.
Related chika:
‘HHWW’ photo nina Joshua Garcia at Bella Racelis viral na, girlfriend reveal na nga ba ang drama?