MAGBABALIK big screen ang action-thriller movie na “Transformers” sa taong 2023!
Ang bagong pelikula ay pinamagatang “Transformers: Rise of the Beasts” na ipapalabas sa mga sinehan sa Hunyo.
Punong-puno ng aksyon ang kalalabas lang na pasilip na kung saan ay bidang-bida pa rin ang lider ng “Autobots” na si Optimus Prime.
Sa teaser trailer ng bagong pelikula ay ipinakilala ang magiging bagong kakampi ng mga Autobots laban sa mga kontrabidang “Decepticons” –ang tinatawag na “Maximals.”
Ang Maximals ay isang uri pa rin ng transformers, pero sila ay anyo ng mga hayop.
Para sa kaalaman ng mga manonood, sila ang ancestors at descendants ng mga Autobots na ilang daang taon ng nakikipaglaban sa Decepticons.
Tampok sa bagong pelikula sina Anthony Ramos, Dominique Fishback, Tobe Nwigwe, Peter Cullen, Ron Perlman, Peter Dinklage, Michelle Yeoh, Liza Koshy, John DiMaggio, David Sobolov, Michaela Jae Rodriguez, Pete Davidson, Cristo Fernández, at marami pang iba.
Ang “Transformers: Rise of the Beasts” ang ika-pitong installment ng nasabing franchise.
Taong 2018 nang huling ipinalabas ang Transformers movie na may titulong “Bumblebee” na kung saan ay unang ipinakilala ang tinatawag nilang Maximals, Predacons, at Terrorcons.
Related chika:
Channing Tatum muling magpapainit sa finale ng ‘Magic Mike’, naglabas na ng trailer