AiAi delas Alas, Gerald Sibayan lumipad pa-Amerika para sa renewal of vows

AiAi delas Alas, Gerald Sibayan lumipad pa-Amerika para sa renewal of vows
LUMIPAD patungong Las Vegas ang Kapuso Comedy Queen na si AiAi delas Alas kasama ang kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng Kapuso star ang larawan nilang mag-asawa habang papunta sila sa America.

“To Las Vegas for our renewal of vows and para sa happy [birthday] ng aking asawa. I will always love you, my husband,” saad ni AiAi sa caption.

Sa kahiwalay na post ay binati naman niya ang asawa.

“I promise to love you until my last breath… Happy birthday my dear husband. God bless you always,” sey ni AiAi.

At kanina nga lang rin nang i-post ng aktres ang larawan na kuha mula sa kanilang renewal of vows.

“Pagbabalik tanaw sa aming sinumpaan… dahil statesides na kami renewal of vows… boom!!” masayang sabi ni AiAi.

Aniya, maglalabas raw siya ng vlog patungkol sa mga nangyari sa kanilang renewal of vows.

Matatandaang ilang buwan na ring naninirahan ang pamilya ni AiAi sa America at sa kayunayan ay noong Agosto nang ibahagi niya na may trabaho na siya sa San Francisco, California.

At sa kabila nga ng mga batikos at pamumuna ng maramo dahil na din sa layo ng agwat sa edad nilang mag-asawa ay going strong pa rin ang relasyon nila.

Sa ngayon ay limang taon nang mag-asawa ang dalawa na ikinasal noong Disyembre 2017.

Related Chika:
Ai Ai miss na miss na si Gerald: Blessed ako na kahit matagal na kami, mahal pa rin namin ang isa’t isa

Gerald Sibayan todo linis ng bahay para sa pagbabalik ni Ai Ai sa US: Sige Darl, para bunganga ng asawa mo… alam mo na!

Ai Ai delas Alas, Darryl Yap papatawan ng parusang ‘persona non grata’ sa QC?

Ai Ai delas Alas pormal na nagpakita ng suporta sa tambalang Marcos-Duterte

Read more...