Lyca Gairanod may ‘pajowa’ reveal sa mismong debut

Lyca Gairanod may 'pajowa' reveal sa mismong debut
KASABAY ng pagse-celebrate ng 18th birthday ni Lyca Gairanod ay ang kanyang pa-jowa reveal.

Ibinandera nga ng “The Voice Kids” season 1 champion ang kanyang non-showbiz dyowa na nakilala bilang si Kyle Walle.

Ang binata nga ang naging escort ni Lyca sa kanyang intimate debut party na ginanap sa isang resort sa Tanza, Cavite nooong November 21.

Ito ay ibinahagi ng isang Cagayan-based vlogger na si David Lañas na lumipad pa papuntang Cavite para daluhan ang isa sa pinakamahalagang selebrasyon sa buhay ng celebrity singer.

Ayon sa mga source ay March 2022 pa nang maging magkarelasyon sina Kyle at Lyca ngunit marahil ay hinintay na lamang niya na tumuntong siya sa kanyang legal age bago tuluyang ipakilala sa madlang pipol ang nagpapatibok at nagpapasaya ng kanyang puso.

Wala pa namang pormal na post ang dalaga sa social media patungkol sa kanyang dyowa nang i-check namin ang kanyang Facebook account at tanging ang video kung saan isinasayaw siya ng kanyang ama ang makikita sa account niya na kuha noong 18th birthday celebration niya.

“I’m so very emotional sa tuwing sinasayaw ako ni Papa at sobrang saya ko dahil nakayanan nya and proud na proud ako sayo Papa and mahal na mahal kita at kaming lahat Papa,” lahad ni Lyca.

Dagdag pa niya, “Pinakamasayang araw na naisayaw mo ako Papa.”

Anyways, marami nama ang kinilig para kay Lyca at sa kanyang dyowa.

May mga nagsasabi pa nga na parang young version daw ito ni Jose Rizal dahil magkamukha raw ang mga ito.

“Congratulations Lyca and Dr. Jose Rizal,” biro pa ng isang netizen.

Sey pa ng isa, “Bibinibing klay at ginoong ibarra.”

Related Chika:
#OhMyGod: Karen, Lyca nag-celebrate ng birthday together

Lyca Gairanod nilinaw ang controversial answer sa ‘Family Feud’: Ang hirap sumagot nang biglaan

Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

Lyca binansagang ‘Meme Queen’, mensahe ni Karen: May plano ang Panginoon para sa iyo, I love you!

Read more...