Boy Abunda
TODO-TODO ang pasasalamat ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa talent manager at award-winning TV personality na si Tito Boy Abunda na siyang nagsilbing host ng awards night ng 5th The EDDYS last Sunday, November 27, sa Metropolitan Theater.
In fairness, talagang hindi na matatawaran ang galing ni Tito Boy sa pagho-host ng ganitong mga events. Sisiw na lang ito sa kanya bilang isa sa mga tinitingalang icon sa entertainment industry.
Naging sentimental nga ang premyadong TV host nang makapasok uli sa MET na nagsilbing tahanan din niya noong nagsisimula pa lang siya bilang production assistant sa mga stage play at iba pang events.
“You have to indulge me here a little bit. Alam ninyo po, mga kaibigan, sa backstage, dito po ako nag-umpisa sa teatrong ‘to. Maraming salamat to EDDYs and to SPEED for bringing me back here,” pahayag ni Tito Boy bago magsimula ang awards night.
“Sabi sa akin nu’ng mga bata, ‘Ano ho ang inyong trabaho dito nu’ng kayo ay nag-uumpisa sa MET?’ Sabi ko, ‘I was a production assistant. I’m familiar with this stage as backstage. I used to fix costumes.
“I used to clean this very stage which I’m standing on tonight. So, maraming-maraming salamat. And, welcome to the Theater.
“Kanina, nu’ng the voice over was asking the audience to stand for the Philippine National Anthem, trabaho ko po ‘yun, ‘Ladies and gentlemen, please rise for the Philippine National Anthem.’
“Today, I’m back. Tonight, I’m back. For the 5th EDDYS. Baon ko pa rin po ang aking pusong-production assistant. I’ll always be a P.A by heart,” pahayag ng iconic TV host.
Aniya pa, “Pero ako’y natutuwa na tayo’y magkakasama and I’m in a familiar place with familiar faces.”
Binalikan din niya ang araw nang mawala ang kanyang “virginity” sa balcony ng MET, “We’re being streamed. We’re not on free TV, so I lost my virginity in the balcony. That’s a joke! Ha-hahahaha!”
Sabi pa ni Tito Boy nag-enjoy siya nang bonggang-bongga sa pagho-host ng The EDDYS, at in fairness, hindi rin daw siya masyadong napagod at nainip dahil sa ganda ng programa.
Marami rin siyang natanggap na mensahe mula sa mga dumalo at nakapanood ng awards night ng The EDDYS na nagpahatid ng kanilang paghanga sa naging production value ng show.
Naging emosyonal din si Tito Boy sa “In Memoriam” segment ng Gabi ng Parangal kung saan isa-isang ipinakita ang mga namayapang miyembro ng entertainment industry, lalo na sa Posthumous Awards na ibinigay kina Cherie Gil at Susan Roces.
At gusto lang din ipahatid ng SPEEd kay Tito Boy ang abot-langit at todo-todong pasasalamat dahil pumayag siyang mag-host ng The EDDYS nang walang talent fee.
Kim Chiu nape-pressure sa solong pagho-host: Ano kayang sasabihin ng ibang tao na nagdududa sa akin?
Ice Seguerra, Jona, Zephanie, Regine Tolentino may mga pasabog sa 5th EDDYS ng SPEEd
Tito, Vic, & Joey, Phillip, Sharon, Alma, Helen pasok sa Icon Awards ng 5th EDDYS