Lovi Poe maraming natupad na pangarap mula nang maging Kapamilya; rarampa sa Mega BeautyCon sa Glorietta

Lovi Poe maraming natupad na pangarap mula nang maging Kapamilya; rarampa sa Mega BeautyCon sa Glorietta

Lovi Poe

MULA nang maging Kapamilya ang actress-singer na si Lovi Poe ay napakarami na rin daw natupad sa listahan ng kanyang mga pangarap.

Mahigit isang taon pa lang sa ABS-CBN si Lovi pero parang napakarami nang nangyari sa kanyang showbiz career.

Sa nakaraang presscon para sa pagpapalabas sa free TV ng kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN na “Flower of Evil”, natanong si Lovi kung ano ang feeling na naka-one year na siya sa Kapamilya network.

“Life’s been great. My soul has been searching for growth, and that’s what I’ve been going through. I’ve been growing since the day I became a Kapamilya,” aniya.

Bukod sa tagumpay ng “Flower of Evil” nila ni Piolo Pascual sa Viu at iWantTFC, kung saan ipinakita niya ang galing sa drama at action, bumida rin ang dalaga sa  iWantTFC GL (girl’s love) series na “Sleep with Me” kung saan nakatambal niya si Janine Gutierrez.

Napapanood din siya sa long-running concert variety show ng ABS-CBN na “ASAP Natin ‘To” every Sunday

“I’ve been stepping out of my comfort zone, and I’ve been having a lot of dreams come true. It’s been great,” sabi ng aktres.


Sey pa niya sa success ng “Flower of Evil,” “Ang dami kong natutunan dito. Sa lahat ng mga nakatrabaho ko, from our directors, our production, our cameramen, sound, everyone. Kung anuman ‘yung natutunan ko sa kanila, mauuwi ko siya at madadala ko siya sa next na trabaho na gagawin ko.

“When you start doing another project, it’s not just a project na bubuuin mo. It’s always a learning experience for me. It’s always like going to class. Lahat ng nakatrabaho ko dito, ‘yung level of body of work na nagawa nila, I’m always in awe. Sarap ng feeling,” lahad ni Lovi.

Ibinalita rin ng aktres na may susunod na project na siya sa ABS-CBN, “Yes, but you will find out another time. Soon!”

Samantala, tinatawagan naman ang lahat ng “modern, fearless and fun” individuals seeking beauties out there.

Ito na ang inyong chance na makita up close and personal ang beauty ambassador at endorser ng Ready Set Glow na si Lovi Poe. Dadalo ang dalaga sa Mega BeautyCon this Sunday, December 4, sa Palm Drive Activity Center, Glorietta 2.

Lovi will proceed to this event after her appearance in the Sunday musical variety show “ASAP Natin To”, where she promises to deliver another jaw dropping performance.

Sa nasabing event, magse-share si Lovi ng kanyang “tips and secrets” pagdating sa pagpapaganda at tamang pag-aalaga sa sarili na siyang naging daan para makasama siya sa listahan ng mga iconic beauty sa mundo ng showbiz.

It’s no secret that Lovi has been an avid fan of the cosmetics brand, “Wearing them makes me feel strong, independent and beautiful. It’s a perfect fit with me.”

Her favorite is the multi-use face tint Ready Set Glow na pwedeng gamitin sa mata, mukha at lips. Nandiyan din ang Badass Eye Shimmers, Face Mist, at Lip Stain.

Kaya, sa lahat ng supporters ni Lovi, go na kayo sa #MEGABeautyCon sa December 4, sa Glorietta, Makati City.

Lovi Poe biglang na-conscious kay Piolo, bakit kaya?

Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

Brenda Mage nagpaalam na sa showbiz, babalik na sa Misamis Oriental; may 1 wish na hindi natupad

Read more...