Nagkakasakit din si Darna; Jane de Leon nadale ng dengue at UTI

Nagkakasakit din si Darna; Jane de Leon nadale ng dengue at UTI

Jane de Leon

HUMINGI ng paumanhin sa madlang pipol at sa lahat ng kanyang mga tagasuporta ang Kapamilya actress at “Darna” star na si Jane de Leon.

Mismong ang dalaga na ang nag-announce sa pamamagitan ng social media na nagkasakit siya kaya hindi siya nakakapagbigay ng update sa mga kaganapan sa kanyang personal life at career.


Kinumpirma ni Jane na nagpositibo siya sa dengue at urinary tract infection (UTI) matapos sumailalim sa ilang medical test kamakailan.

Dahil nga rito, humingi ng paumanhin si Darna sa kanyang mga fans at followers dahil sa pagiging inactive sa socmed.

“Hi everyone! Sorry if I’m not active lately. I’m still sick. I was tested positive with dengue and UTI.

“I won’t be able to reply but I promise to see you guys soon. Thank you for all the prayers,” ang pahayag ni Jane sa kanyang Instagram page.

Nito lang nakaraang linggo ay nag-celebrate si Jane ng kanyang 24th birthday sa Okada, Manila na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nag-post siya ng ilang litrato sa Instagram suot ang mga gown na gawa ng mga kilalang fashion designers. Aniya sa caption, “Cheers for the best birthday gift ever – another year of life story to tell!”

Patuloy na napapanood si Jane sa hit fantasy-action series na “Mars Ravelo’s Darna” na umeere sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Gary Valenciano naospital dahil sa sakit na dengue

Anak nina Danica Sotto at Marc Pingris nadale ng dengue: Thank you Jesus for healing Caela!

Read more...