Sean de Guzman nahe-hurt sa pamba-bash sa ‘My Father, Myself’: Hindi pa nila napapanood dyina-judge na nila
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Sean de Guzman at Jake Cuenca
NAG-REACT si Sean de Guzman sa mga komento ng netizens tungkol sa pelikulang “My Father, Myself” na idinirek ni Joel Lamangan, kung bakit nakasama ito sa Metro Manila Film Festival 2022.
Binigyan ng R-18 rating ang nasabing pelikula ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB dahil sa maseselang eksena nina Sean at Jake Cuenca.
Say ng aktor, “Para sa akin masakit siya minsan, iyong iba kasi, mababasa mo na sinasabi ng iba na, ‘Akala ko ba ang MMFF ay pang-family, pangmasaya lang? Pero bakit may ganitong entry?’
“So, hindi pa man nila napapanood ay dyina-judge na nila. Pero good thing is napag-uusapan tayo, kumbaga ay may laman, may content.
“Pero I’m happy na may mga taong sinusuportahan pa rin kami and proud ako sa film namin. Dahil unang-una ay kay Direk Joel Lamangan ito and of course, ang gagaling ng mga kasama kong artista rito, specially sina Kuya Jake, Ate Dimples (Romana), at Tiffany (Grey).
“And sana lang po, huwag po nilang i-judge ang pelikula namin, hanggang hindi pa po nila napapanood, salamat po,” aniya.
Dagdag pa ng aktor, “Sobrang thankful po ako kay Direk, kasi siya ang nag-launch sa akin at siya rin ang unang direktor na nagbigay sa akin ng award, international awards po, dalawa.
“Si Direk kasi, parang kapag tsina-challenge ka niya, well, nandoon iyong hirap, pero nandoon din iyong parang satisfaction mo as an actor. Na parang, shit, kailangan ko itong gawin, para iyong pressure na nararamdaman ko galing kay Direk, parang ‘yung expectations niya ay kailangan kong ma-meet,” sabi pa ng binata.
May dalawang international best actor award na si Sean na mula sa CHITHIRAM International Film Festival sa India at sa Anatolian Film Awards sa Turkey para sa pelikulang “Fall Guy” na idinirek din ni Joel.
Ang “My Father, Myself” ay sinulat ni Quinn Carrillo handog ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy. Kasama rin sa producers ng pelikula sina Win Salgado, Jumerlito P. Corpuz, at Nicanor C. Abad.
* * *
Maraming programa ang TV5 na nagtapos na tulad ng sitcom ni Maja Salvador na “Oh My Korona” nitong Sabado, Nobyembre 26 na susundan naman ng “Sing Galing Kids” sa Disyembre 3, Sabado.
Sino kaya ang tatanghaling kauna-unahang Ultimate Kantasti-Kid kina Captain Son-sation ng Cainta, Rizal na si Carlos Valencia; Sergeant No-thedd ng Iloilo City na si Thedd Maglocot; Magnetic Kid ng Lucban, Quezon na si Emil Malaborbor; Flexi-belle ng Imus, Cavite na si Ayumi Yago; Miss Intensity ng Davao Oriental na si Yassi Estrera at ang Marc Slayer ng Binangonan, Rizal na si Marc Leo Ramento.
Huwag palampasin ang matinding paSINGkatan ng mga Kantasti-Kids sa “Sing Galing Kids The Kantastic Kiddie Finale”.
Makakasama sa kaSINGyahan ng Kantastic Kiddie Finale ang Pinoy Pride, Hollywood Star, at International Urban Pop Artist na si Inigo Pascual. MagpapaSINGkat din ang mga naggagwapuhan at naggagandahang P-Pop Groups na Calista at Ver5us.
Hindi rin papahuli sa kaSINGyahan ang Quezon City Symphony Band, Kilayawan Kids Choir, Manila Symphony Junior Orchestra, Young Ballerinas of Halili Cruz School of Ballet, Legato Visual Performing Arts at ng String Galing Quartet.
Sa mga Kaawitbahay, SING U this coming December 3, Saturday, 6 p.m. live sa Metropolitan Theater para sa “Sing Galing Kids The Kantastic Kiddie Finale.”