Vina Morales may ka-date na foreigner sa Boracay, natagpuan na nga ba ang kanyang ‘the one’?
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Vina Morales at ang kanyang mystery guy
NAHANAP na nga kaya ng singer-actress na si Vina Morales ang kanyang “the one”?
Sa ipinost kasi niyang video sa kanyang Instagram page nitong Martes ng gabi na kuha sa Boracay ay may narinig kaming boses ng lalaki at ang background music ay “I Feel Good” ng PinkSweats.
Ang caption ni Vina sa video ay, “I feel good (music and happy emoji).”
“Thanking all the hospitable staff of @crimsonboracay hotel. You made our stay so wonderful (smiley face with heart emoji) it’s worth going back! Salamat po!” mensahe ni Vina.
May nauna pang IG post si Vina kung saan may ka-dinner siyang foreigner-looking sa beachfront ng hotel.
“Toasting to what I’m thankful for. Happy thanksgiving! #thankful #grateful. Thank you @movenpickboracay for preparing this sunset thanksgiving dinner,” ang caption ng aktres.
Sinundan pa ito ng solo picture ni Vina na may nakasulat na, “One of the activities we did in boracay was Island hopping and one of the popular island destination is in Crystal Cove. It’s nice to be back after a long time.”
Nasa bangka naman ang sumunod na larawan ng dalaga, “No filter needed, just the beautiful sunlight in boracay island.
“Will be posting more of the crystal boat photos taken by kuya photographer. Salamat po!” sabi niya sa caption.
Sa isa pang litrato ay kasama na ni Vina ang guy sa bangka, “Enjoying the beautiful boracay island #itsmorefuninthephilippines #thankful #grateful.”
Kaya namin nasabing “the one” na ni Vina ay dahil naintriga kami sa komento ng kaibigan niyang si Ruffa Gutierrez na tatlong red hearts emojis. Ganito rin ang komento ni Sunshine Cruz.
Sabi naman ni Jessa Zaragoza, “Sobrang hot na po! ganyan daw yung mga in love! @vina_morales.”
Ang comment naman ni Geneva Cruz, “Blooming! (smiling face with heart eyes emojis).”
Narito naman ang komento ng netizens na nabasa namin sa isang showbiz website.
“Why not chocnut.”
“Mas maganda si Vina sa personal. Ang liit ng mukha.”
“As long as she is happy, it should be fine. She deserves to love and be loved. Love is a wonderful thing in this world.”
“Sana he’s the one na talaga. Naalala ko pa yung girian nila ni Avi Siwa dahil sa lalaki.”
“Go, girl! You deserve to be happy!”
“Vina doesn’t seem to age. Ang fit at ganda pa rin ni bakla.”
“Mukhang matagal na silang magkakilala. May post si vina na ’21 years’ with pictures with the guy through the years. Congrats! Sobrang bait ni Vina so deserve niya yan!”
“You go woman! You deserve all the love and happiness.”
“Lakas maka Dora the explorer ng dress pink and orange.”
May naligaw na netizen na hindi maganda ang sinabi, “Jusko nakailan na ba c Vina ng jowa? Nagkaanak na at lahat hanggang ngayon di pa rin nakakahanap ng lalake na seseryoso sa kanya.”
Ending, kinuyog siya ng followers ni Vina.
“Napaka-condescending naman ng tone mo. Not everyone is blessed with a happy ever after. ‘Wag judgmental.”
“Ganun talaga pag maganda madaming choices, di ka makarelate noh?”
“Whew you must be a fun tita during parties. let me guess, perfect prayer meeting attendance?”
“So what if nakailan bf na sya? Maybe the men’s been with in the past isn’t fit to be in her and her daughter’s life. May anak din syang iniisip na papasok sa buhay nya.”
“Wow naman. Nakakahiya naman syo at mukhang maaga kang nakahanap ng sumeryoso syo. Sa panahon ngayon di mo na talaga alam tamang timpla para maging seryoso ang lalake. Tsamba tsamba na lang din kahit gaano ka pa katino same goes sa mga lalakeng iniiwan din ng jowa kahit kaagano pa sila katino.”
“Josko ang laki ng problema mo. Kung hindi pa dumarating forever niya hayaan mo siya. Kung ikaw meron na good for you. At least she’s not hardened about love yet.”