Andi Manzano buntis na uli: I can’t believe I get to say this but…I’m going to be a mama of 3!
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
GP Reyes, Andi Manzano, Olivia at Amelia Reyes
BUNTIS na uli ang kilalang vlogger at host na si Andi Manzano sa ikatlong baby nila ng kanyang asawang si GP Reyes.
Ibinandera ni Andi ang kanyang pagdadalang-tao sa publiko nitong nagdaang weekend sa pamamagitan ng Instagram.
Ipinost ng content creator ang ilan niyang pictures kung saan kitang-kita na ang ang lumalaki niyang tummy.
“The bump lately,” ang maikling caption na isinulat niya sa kanyang IG post.
Bukod dito, nagbahagi rin si Andi ng isang video clip kung saan mapapanood ang pagbisita niya at ng asawa sa ospital para magpa-ultrasound.
Masaya rin nilang ibinalita ang good news sa kanilang mga anak na sina Olivia at Amelia.
“There are so many things to be thankful for this year, but the biggest blessing (or tiniest might I add!) is this little growing bun inside of me.
“I can’t believe I get to say this but.. I’m going to be a mama of 3,” ang mensaheng kalakip ng kanyang short IG video.
Ikinasal sina Andi at GP noong 2013. Ipinanganak ang kanilang panganay ni Olivia noong 2015 habang winelkam naman nila si Amelia noong 2019.
Sa isang panayam, inamin ni Andi na minsan ay nagiging istrikto siyang nanay sa mga anak pero mas naniniwala siya na isa siyang “cool nanay.”
Pag-amin ni Andi, “I feel like the struggle will be in the next few years when they’re teenagers. I was also a teenager and I was medyo, not naman rebelde, but of course, I was like, I was not the perfect daughter.
“So I feel like it will come in the next few years, the struggle, but I’m sure my husband will take over,” aniya pa.