Pokwang naloka sa kamoteng hugis nota: ‘Biglang naiba ang pakiramdam ko, bakit kaya?!’

Pokwang naloka sa kamoteng hugis nota: Biglang naiba ang pakiramdam ko, bakit kaya?!

Poking

BENTANG-BENTA ang nakakalokang paandar ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa kanyang Instagram account.

Tulad ng mga nakakita at nagkomento sa isang litratong ipinost ng beteranang komedyana sa IG, tawa rin kami nang tawa sa “mensaheng” nais niyang iparating.

Makikita sa litratong ibinahagi ni Pokey ang babalatan niyang kamote na gagawin sana niyang merienda noong nagdaang Linggo, November 27.

Feeling kasi ni Pokwang ay may nais iparating sa kanya ang kamote na may kakaibang hugis (para itong ari ng lalaki).

Sey ni Pokey sa caption, “Bakit ganon? gusto ko lang naman sana magluto ng kamote cue para sa miryenda pero biglang naiba ang pakiramdam ko?


“Parang……iba e! bakit kaya? ano ba meron sa kamoteng ito? (laughing emojis),” dagdag pang hirit ng Kapuso star.

Marami namang nag-react na netizens sa post ni Pokwang at halos lahat ay nagkakaisa sa pagsasabi kung ano ang kahugis ng nasabing kamote.

Comment ng isang netizen, “Mamang! Magluluto lang dapat pero biglang may isang tao kang naalala ganernnn (fire, lovestruck, laughing emojis).”

Mukhang ang tinutukoy daw ng netizen ay ang ex-live-in partner ni Pokey na si Lee O’Brian. Hirit namang reply ng komedyana, “Bwahahahahaa hindi naman… hindi naman ganyan kaliit hahahahaha.”

Sey naman ng isa pang netizen, “Baka miss mo xa.” Sagot sa kanya ni Pokwang, “Hindi naman.”

Nagkomento rin ang TV host na si Kim Atienza sa post ng komedyana, “Langya ka pokie!”

Tawang-tawa rin ang mga kaibigan niyang sina Valeen Montenegro, Vina Morales, Ana Feleo at Celine Lim.

Naghiwalay si Pokwang at partner na si Lee noong November 2021, pero naiulat lamang ito noong July 2022. Humigit-kumulang anim na taon nagtagal ang kanilang relasyon.

Inamin ni Pokwang na isa na uli siyang “single mom” sa isang presscon noong October, 2022. Maayos naman daw ang relasyon nila kahit naghiwalay bilang co-parents sa anak nilang si Malia.

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Angel hinamon ang mga anti-Leni na maglabas ng ebidensya sa isyu ng bayaran; ‘Knock-Knock’ ni Kyla bentang-benta

TV host-comedienne niloko ng dyowang may bisyo, nilustay ang kita sa negosyo

Read more...