Julie Anne, Rayver official nang magdyowa, ibinandera ang matinding pagmamahal para sa isa’t isa

Julie Anne, Rayver official nang magdyowa, ibinandera ang matinding pagmamahal para sa isa't isa

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

MAGDYOWA na sina Rayver Cruz and Julie Anne San Jose.

“Yes, it’s official na.”

That was the short statement of Albert Chua, the manager of Rayver, sa amin when we asked him through private message kung official nang magdyowa ang dalawa matapos ang isang nakakakilig na eksena sa “JulieVerse” concert ni Julie Anne last Satuday sa Newport Theater.

“Naalala mo nu’ng birthday mo, sinabi ko naman sa ’yo kung anong nararamdaman ko. Gusto ko lang din iparinig sa kanila.

“Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much,” say ni Rayver during the  concert.

“Gusto ko lang sabihin na sobrang thankful ako sa ‘yo. Ang dami nang nagbago sa buhay ko simula nu’ng dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you, too,” sagot naman ni Julie Anne.


Just last May, during Julie Anne’s San birthday celebration ay nag-declare na ng kanyang pagmamahal si Rayver sa dalaga.

“Blessing ka sa lahat ng tao, blessing ka for me. You inspire everyone, especially me,” say ni Rayver.

Pinasalamatan din niya ang pamilya ni Julie Anne for allowing him to court her sa bahay.

“Gusto ko magpasalamat sa iyo, sa pamilya mo. Thank you po sa pamilya ni Juls, sa mga kapatid kasi nakakabisita ako sa inyo,” he said.

Willing maghintay si Rayver sa sagot ni Julie Anne kahit gaano pa ito katagal.

“Gusto ko lang sabihin is nandirito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal.

“Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday,” say niya.

Julie Anne ibinandera ang pagmamahal kay Rayver sa pakilig na birthday message, sagot ng aktor: Mahal kita Jules!

Rayver kay Julie Anne: Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako

Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?

Read more...